Very sad naman ang balita na may skin cancer si Miss Universe 1993 Dayanara Torres. Si Dayanara pa naman, napamahal na sa mga Pilipino dahil parang isa rin sa atin ang ugali niya.
Kitang-kita na at home na at home siya sa ‘Pinas at muntik pa nga na maging misis ni Aga Muhlach.
Tulad ni Sandara Park, magaganda ang mga sinasabi ni Dayanara tungkol sa bayan natin.
Kawawa si Dayanara dahil may dalawang anak siya at alam n’yo naman na napakahirap kapag ang isang ina ang may-sakit o mawala.
Malampasan sana ni Dayanara na parang Pinoy na rin ang mga pinagdaraanan niya.
Muntik nang mag-stay uli nang matagal si Dayanara sa ating bansa nang bumalik siya sa Pilipinas para sa Miss Universe noong January 2017.
Sabi nga ni Dayanara, pakinggan natin ang ating katawan. Kapag may naramdaman tayo na medyo kakaiba, magpatingin agad sa doktor.
Nag-umpisa ang skin cancer ni Dayanara sa isang maliit na nunal na lumalaki habang nagtatagal pero hindi niya pinansin hanggang lumala na.
Ipagdasal natin siya.
May-ari ng Kamiseta, Beautederm at Megasoft mga batang-bata
‘Yung tatlo natin na kind Asian friends, Salve na sina Rhea Tan ng Beautederm, Cris Roque ng Kamiseta at Aileen Go ng Megasoft, akala ng iba old ladies na dahil nga sa mga achievement nila sa negosyo.
Nagtataka sila kapag nakita nila in person na mga bata na negosyante sina Rhea, Cris at Aileen, not to say maganda at very corporate looking.
Hindi iisipin na ganoon sila kabata dahil sa mabilis na pag-unlad ng kanilang mga negosyo.
Brand na ang Beautederm, Kamiseta at Megasoft. Hindi lang ‘yan, grabe rin ang charity work ng tatlong kind Asians na ito.
Halos nalibot na nila ang buong Pilipinas to reach out sa mga puwedeng tulungan. Sila ang dapat tularan ng mga babae na gustong magtagumpay, good wives and mothers, successful women of power.
Lucky us that we know them personally, masarap magkaroon ng energy from people like them, kind and successful.
Bravo Rhea, Cris and Aileen. Thanks for the friendship.
Pat-P walang arte sa bIyahe!
Feeling ko missed na missed na tayo ni Pat-P Daza kaya type niya na mag-meeting next week kasama sina Cris Roque at Leo Espinosa.
Suggestion ni Dolor Guevarra na i-try natin ang bagong resto ni Deo Endrinal na may flowershop din.
So makikita natin uli ang barkada na enjoy naman talaga noong nasa Bangkok tayo. Type ko na travel buddy si Pat-P kasi wala siyang arte, nasa time lagi at kung ano ang lakad, kasama siya.
Kung hindi nga lang daily ang radio show niya, kasama sana natin siya sa Las Vegas ni Papa Manny Pacquiao.
Importante kasi na kapag magkakasama kayo sa travel na team player ka, lakad kung lakad, kain kung kain, sunod sa oras, hindi maarte, walang mga demand, hindi nahuhuli sa sked.
Nakakainis ‘yung hinihintay mo ang kasama mo, tapos maraming arte kaya si Pat- P. pasado na travel buddy.
Sige, ayusin na ang maleta, alis na tayo Pat-P., iwan mo muna ang radio show mo, maglakwatsa ka sandali.