Super trending kahapon si Sarah Geronimo para sa #SarahGAtThePapalVisitUAE.
Proud na proud ang fans ng Pop Superstar na bagong achievement ni Sarah matapos siyang imbitahan para kumanta ng inspirational songs after the Holy Mass of Pope Francis sa United Arab Emirates.
Imagine super historic ang nasabing pagdalaw ng Mahal na Sto. Papa na dumating sa UAE last Sunday para sa kanyang first-ever visit/mass sa Arabian Peninsula na birthplace of Islam.
Suot ni Sarah ang all white jumpsuit na gawa ng Amato Couture by Furne One nang kumanta siya pagkatapos ng misa.
Si Sarah rin ang nag-imbita sa higanteng screen para sa pagbisita ng Sto. Papa sa nasabing bansa.
Ang sabi sa balita halos 150,000 ang dumalo sa makasaysayang misa ng Mahal na Sto. Papa Arab country na ang description nila ay ‘historical, miracle, fantastic and amazing’ at pinupuri sa mga interview ng CNN ang government ng UAE sa ginawa nito na mas nangibabaw ang pagmamahal at kapayapaan.
Actually nakakakilabot at super touching na mapanood ang Sto. Papa na nagmi-misa sa nasabing bansa sa mga TV coverage.
Sana nga may pag-asa ang world peace. More than a million Christians diumano ang nakatira sa UAE at kasama rito ang marami nating kababayan kung saan kasama sa mga kumantang choir ay ang Pinay na si Emma na na-interview pa sa CNN.
At ang unforgettable ay ang participation ni Sarah na walang naging ingay. Hindi man lang niya ito nabanggit na dadalo at kakanta siya sa itinuturing na isa sa greatest event ng mundo.
Nagsimula lang sa nunal Dayanara Torres may skin cancer!
Sad news ang post ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres kahapon. Ibinunyag niya na may cancer siya.
Skin cancer na melanoma. Na nagsimula lang sa isang nunal.
Heto ang caption niya sa isang video message kahapon :
“As mothers we are always taking care of everyone around us... our kids, family, friends & often we forget to take care of ourselves.
“Today I have some sad news... I have been diagnosed with skin cancer “melanoma” from a big spot/mole I never paid attention to, even though it was new, it had been growing for years & had an uneven surface.
“My fiancé Louis had been begging me to have it checked & finally made an appointment himself... after a biopsy & a second surgery last Tuesday the results unfortunately are positive. Now we are waiting to see which treatment I will be receiving but they have already removed a big area from the back of my knee & also they have removed 2 lymph nodes at the top of my leg where it had already spread. Hoping it has not spread to any more areas or organs. “I have put everything in God’s hands & I know he has all control... My sons although a bit scared know about my faith and know they have a warrior of a mommy!
“But if I can help anyone along the way based on my experience, it would be to tell you... PLEASE, never forget to take care of yourself. If you see something or feel something different in your body have it checked... I had no idea skin cancer could spread anywhere else in your body. .
#Guerrera #iHaveFaith #TrustGod
“God doesn’t give the hardest battles to his tougher soldier, he creates the toughest soldiers through Life’s hardest battles”.
TODAY is #WorldCancerDay #RaisingAwarenes.
May dalawang anak si Dayarana sa former husband niyang salsa singer na si Marc Anthony.
Naghiwalay sila at nakarelasyon ni Jennifer Lopez ang Mexican singer na si Marc.
Fiancee ngayon ni former Miss Universe ang Marvel film producer Louis D’Esposito.
Last 2017 ay bumisita ng bansa si Dayanara at tumanggap ng ilang commitment at nangakong babalik pero obviously, hindi nag-materialize ang comeback movie sana nila ng ex niyang si Aga Muhlach. Dito noon ginanap ang Miss Universe at isa siya sa mga nag-judge.
Nagkaroon pa ng issue nung time na nandito siya na itatambal siya kay Piolo Pascual.
Siyempre siya rin ang isa sa original hosts ng ASAP.
Bong hindi pa rin nakaka-recover
Hindi pa rin pala nakaka-recover si former senator Bong Revilla sa trauma sa 4 ½ years na pamamalagi niya sa Custodial Center ng Philippine National Police.
Kahapon ay nagkaroon siya ng media gathering para sa celebration ng Chinese New Year at naninibago pa rin siya na ang dami-daming nagpi-picture sa kanya pero hindi na camera ang gamit, cellphone na.
Hindi na nga naman siya sanay na gumamit ng cellphone nung nasa Custodial Center siya.
Naalala ko nun na kinukumpiska ang telepono ng mga dumadalaw sa kanya. Lalo na nung magkahigpitan, kahit bag mo bawal nang ipasok sa kanilang kinalalagakan.
Anyway, hindi rin nagtagal ang question and answer portion niya kahapon dahil nga uneasy pa siya. Ayaw pa ni Bong na masyadong magsasagot. Mas type niyang table interview na lang with entertainment press na tinuturing niyang mga kaibigan.