Xian Lim at Louise delos Reyes, susubukan kung papasa sa takilya!

Xian at Louise

Showing ngayong araw ng Miyerkules, February 6 ang pelikulang Hanggang Kailan na pinagtatambalan for the first time nina Xian Lim at Louise delos Reyes mula sa panulat ni Onay Sales at direksiyon ni Bona Fajardo under BluArt Productions and XL8 and released through Viva Films.

The movie was shot in Saga, Japan at ang istorya ay umiikot sa mga characters nina Donnie (Xian) at Kath (Louise), isang kakaibang pag-iibigan at  relas­yon na kailangang maghiwalay.

Samantala, ibinahagi sa amin ni Xian na susubukan niya ang pagi­ging isang writer-director ng isang indie movie intended for Cine­malaya this year. Pero ayaw pa niyang i-reveal ang titulo at ang bubuo ng cast nito pero hindi umano siya aarte sa kanyang movie directorial debut.

Unknown to many, sumailalim na rin siya ng writing workshop kay Ricky Lee at very observant and inquisitive naman siya sa mga nakakatrabaho niyang director and also plan to take up directorial workshop in the future.

At 29, maraming gustong gawin si Xian pero wala pa umano sa immediate plans nila ng kanyang girlfriend na si Kim Chiu ang lumagay sa tahimik dahil pareho pa umano silang may goal sa kanilang mga sarili na gustong matupad.

Ngayong showing na ang Kahit Kailan nila ni Louise, may bagong movie naman siyang sisimulan sa bakuran ng Viva Films na pagtatambalan nila ni Christine Reyes at nakatakdang Idirek ni Sigrid Bernardo.

Dingdong at Arthur excited sa pagdating ng mga baby

Parehong buntis ngayon ang mga misis ng mag-pinsang actor na sina Dingdong Dantes at Arthur Solinap na sina Marian Rivera at Rochelle Pangilinan.

Ipinagbubuntis ngayon ni Marian ang magi­ging second baby nila ni Dingdong na isang boy. Ang kanilang panganay na si Zia ay three years old na. Baby girl naman ang ini-expect ng mag-asawang Arthur at Rochelle in the next couple of months.

Miriam malapit din sa step son

Former beauty queen (1999 Miss Universe 1st runner-up) Miriam Quiambao is about to fulfill her being a first time mom kapag kanyang isinilang ang magiging first baby nila ng kanyang (second) husband na si Ardy Roberto, Jr.  The couple got married in Tagaytay nung March 25, 2014.  Biyudo si Ardy sa kanyang unang asawa kung kanino siya may isang anak na lalake na si Joshua habang si Miriam naman ay divorced at annulled na sa kanyang Ita­lian ex-husband na si Claudio Rondinelli.  The ex-couple got married in Boracay nung 2004 pero nagkahiwalay rin ang dalawa dahil umano sa emotional at verbal abuse na pinagdaanan ni Miriam sa dating asawa.

Although stepson lamang ni Miriam si Joshua, itinuturing niya itong parang tunay na anak at very close ang dalawa bagay na ikinatutuwa ng mister niya ngayon na si Ardy.

Janine sinusuwerte

Napakasuwerte ng bagong hitmaker ng Viva Records na si Janine Tenoso na puwede nang tawaging `Theme Song Princess” dahil sunud-sunod ang mga theme songs sa pelikula na kanyang kinakanta na ang pinaka-hit ay ang ‘Di Na Muli na siyang ginamit na theme song sa hit movie last year nina Anne Curtis at Dingdong Dantes, ang Sid & Aya (Not A Love Story) na dinirek ni Irene Villamor.

Si Janine rin ang kumanta ng theme song ng hit movie nina Bela Padilla at JC Santos, ang 100 Tula Para Kay Estela. Siya rin ang kumanta ng theme song na Para Sa Broken Hearted.

Si Janine ay pinakabago at pinakabata among the line-up of veteran artists na magtatanghal sa Big Dome (Araneta Coliseum) on March 1 (Friday) at 8 p.m. sa Playlist: The Best of OPM na tinatampukan din nina Joey Generoso (dating lead vocalist ng Side A Band), Jinky Vidal (dating lead vocalist ng Freestyle Band) Jay Durias, lone original member ng South Border na siya ring tatayong musical director sa nasabing concert, Juris Fernandez at si Meds Marfil, ang frontman ng True Faith Band.

Show comments