Happy ako dahil nabalitaan ko na magkakaroon na ng mga concert sina Ken Chan at Rita Daniela.
Ang laki ng nagawa ng My Special Tatay sa career ng dalawa at makikita ‘yon sa mga sumali sa auditions para sa Season 7 ng Starstruck dahil kadalasan, ang mga eksena nina Ken at Rita sa afternoon drama series ng GMA-7 ang ginagaya ng aspiring stars.
Nakakatuwa na matapos ang matagal na paghihintay, napansin na rin sa wakas ang mga acting talent nina Ken at Rita sa pag-arte at pagkanta.
Parehong professional sina Ken at Rita kaya enjoy sila kanilang pagtatrabaho at naniniwala ako hindi lalaki mga ulo nila.
I’m so happy for them dahil ang daming mga concert na naka-line up para sa kanila. Bongga ang mga alaga nina Tracy Garcia, ang famous Yaya Dub ni Joey Abacan.
Joke lang!
Manila Bay pabalik na sa dating ganda!
Bongga talaga si President Rodrigo Duterte. Nag-umpisa na ang clean up drive ng Manila Bay na sabi nga ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ay swimmable na by December this year.
After ipakita ng Duterte administration ang political will na ma-rehabilitate ang Boracay, maniniwala ka na malilinis nila talaga ang Manila Bay na puwede na uling pasyalan, makita ang sunset at malanghap ang sariwang hangin.
Kapag naalaala mo how beautiful noon ng Manila Bay, itatanong mo kung paano nangyari na nasira ito, naging marumi at ginawa na tapunan ng mga basura.
Magtataka ka dahil sa rami ng mga naging presidente ng Pilipinas, tanging si Papa Digong ang nakaisip na linisin ang Manila Bay.
For whatever reasons, bakit hindi nabigyan pansin noon ang Manila Bay at Boracay? Bakit dumami ang mga drug addict, bakit nagkaroon ng lakas ng loob ang ibang mga kababayan natin na sirain ang maganda nating paligid?
Wala bang DENR noon? Wala bang Department of Tourism? Wala bang nagbantay? Bakit ngayon lang?
Saludo ako kay Papa Digong dahil sa gitna ng kanyang matindi na kampanya laban sa illegal drugs, nagawa pa niya na mapansin ang Boracay at Manila Bay.
Saludo ako sa kanya dahil nagawa niya na ipaayos ang mga lugar na pinabayaan at inabuso ng mga walang disiplina na Pilipino.
Bongga si Papa Digong. Clap clap talaga!
Bato naiyak sa sariling kuwento!
In fairness, positive ang reviews sa Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story na nagbukas kahapon sa mga sinehan.
Ang sabi ng mga nanood, maganda ang pagkakalahad ng direktor na si Adolf Alix, Jr. sa life story ni Papa Bato na napaiyak nang una niyang mapanood ang pelikula.
Napaluha raw si Papa Bato sa eksena tungkol sa kanyang dalawang kapatid na magkasunod na namatay noong mga bata pa sila.
Dati nang mahusay na aktor si Robin pero ibang Robin umano ang mapapanood sa Bato dahil ginaya niya ang mannerisms at paglalakad ng original Bato dela Rosa.
Nagustuhan din ng mga nanood ang mga stunt na ipinakita ni Robin na hindi gumamit ng double kaya proud na proud ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez.
Bongga si Papa Bato dahil sinuportahan ni Papa Digong ang premiere night ng pelikula niya noong Martes. May special participation si Papa Bato sa kuwento ng kanyang buhay na isinalin sa pelikula.