Nakalaban ni Pia sa Miss U pasok din sa World’s Best!

Ariadna Gutierrez

Masaya ang Concert Queen-turned concert producer and entrepreneur na si Pops Fernandez dahil isa siya sa napili mula sa 38 countries na mapabilang sa 50 Wall of the World international judges para sa pinakabagong global talent competition sa Amerika na pinamagatang The World’s Best na magsisimulang mapanood on CBS Te­levision on February 3, araw ng linggo.

Ang bagong programa na sasalihan ng mga kilalang contenders mula sa iba’t ibang bansa including the Philippines will be hosted by James Corden at tatayo namang in-studio judges ang tatlong superstar judges na sina Drew Barrymore, ang drag queen na si RuPaul at Faith Hill at tutulungan naman silang mag-judge ng 50 Wall of the World’s international judges kung saan kabilang ang ex-wife ng Concert King na si Martin Nievera.

Ang TNT Boys na kinabibilangan nina Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion ay kasama sa mga contestants.

$1-M ang naghihintay na premyo para sa mananalo sa unang season ng World’s Best na tatakbo ng sampung episodoes.

Samantala, bukod kay Pops, kabilang din sa 50 Wall of the World’s international judges ang naging katunggali ni Pia Wurtzbach sa 2015 Miss Universe competition na si Ariadna Gutierrez, ang Miss Colombia na aksidenteng natawag ng host na si Steve Harvey as the new Miss Universe sa halip na si Pia.

 Xian gustong gumawa  ng pelikula sa dating mother studio

Magmula nang lumipat si Xian Lim sa bakuran ng Viva, nagkaroon na siya ng chance na makatrabaho si Popstar Princess na si Sarah Geronimo sa  Miss Granny. At follow up nga rito ang isang bagong movie, ang Hanggang Kailan na pinagtatambalan naman nila ng dating Kapuso actress na si Louise delos Reyes na nasa pangangalaga na rin ng VAA.

Bukod sa acting, gusto ring bigyan ng attention ni Xian ang kanyang singing career at paglalaro ng basketball na noon pa man ay isa na sa kanyang mga interes.

Although matagal-tagal na ring hindi nagsasama sa pelikula ang magkasintahang Xian at Kim Chiu, umaasa ang actor na makakagawa pa rin sila ng movie project balang araw dahil bukas pa rin naman umano siyang gumawa ng pelikula sa bakuran ng Star Cinema.

Pelikula ni Gen. Bato palabas na!

Palabas na sa mga sinehan nationwide kahapon ang Bato: The Gen. Ronald de la Rosa Story na pinagbibidahan ng action superstar na si Robin Padilla mula  direksyon ni Adolf Alix, Jr. and debut film production ng ALV Films ng talent manager at businessman na si Arnold Vegafria. Ang nasabing pelikula ay released through Regal Entertainment.

Ipinakita sa pelikula kung gaano ka supportive and caring husband and father si Gen. Bato sa kanyang asawa’t mga anak.

Positive sa anak

Positibo ang pananaw ng mag-partner na Ice Seguerra at Liza Diño na magkaroon ng katuparan ang pagkakaroon nila ng anak kaya naging bukas sila sa modern medical procedure sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Although may anak na si Liza sa kanyang ex-husband, gusto pa rin nila ni Ice na magkaroon ng sarili nilang anak para matupad ang pangarap ng parents ni Ice na magkaroon ng sariling apo.

Marami na ring mga kilalang personalidad ang sumailalim sa in vitro fertilization procedure para magkaanak dahil hindi sila mabibiyayaan ng anak sa normal na pamamaraan.

Show comments