Pinoy rock legend na si Pepe Smith pumanaw!
Rock, rest in peace…
Nagluksa ang buong entertainment industry sa pagpanaw kahapon ng Pinoy Rock legend na si Pepe Smith.
Ang kumalat na balita ay inatake ito sa puso.
Seventy one years old si Smith.
Kinumpirma ng anak niyang si Daisy Smith-Owen ang pagpanaw ng kanyang ama.
“Thank you for everything papa bear ko. Thank you for being the best dad in the world. I know youre in the best place now, no more pains papa.. i will see you in few days. I love you to the moon and back,” sabi ni Ms. Daisy sa kanyang Facebook post kahapon.
Kasama sa mga kantang pinasikat ng grupo niyang Juan dela Cruz ang Ihip ng Hangin, Eto Na Ako, Walang Kokontra, Jueteng Shed at iba pa.
Ang Juan Dela Cruz ang kanyang banda bagama’t napasali rin siya sa ibang grupo.
Ayon sa kuwento ng beteranong kolumnista na si tito Ed de Leon, nakulong din pala ang rock star noong 1992 dahil sa drug trafficking pero hindi umano ito nagtagal sa kulungan dahil kapos sa ebidensiya.
Lima ang anak ni Smith at ang isa nga raw ay video jack ng MYX channel, si Sanya Smith at ang isa ay nagmana sa pagiging rock singer niya, si Queenie.
Ayon pa sa kuwento ni tito Ed de Leon, kinumpara si Smith kay Mick Jagger ng Rolling Stone.
At naging frontact pa pala ang grupo niya noong 1966 ng concert sa bansa ng The Beatles.
Rock and Rest in Peace, Pepe Smith.
Habang sinusulat ito ay wala pang detalye kung saan at kailan siya ililibing.
Sikat na acting coach marami nang naituro sa kapuso stars
Lumipad na naman pala sa bansa ang international acting coach na si Anthony Vincent Bova para ituloy ang matagumpay niyang training program sa ibang talents ng GMA Artist Center na ipinakita na kung ano ang napag-aralan nila sa tamang-pag-arte.
Itinalaga ng GMA Artist Center si Ana Feleo para tutukan ang mga tinuruan na ni Bova.
Sa ginanap na culminating last week, pinuri ng acting coach ang mga Kapuso stars na willing na galingan pa ang kanilang craft and their “bravery” to tackle their emotional and psychological being in their character portrayals.
“I am very proud of them. Now, I can say that they are not afraid to take their space on set and take their space in life. No matter what training you have, if you don’t feel entitled to take your space, that training will not help too much. They are very brave artists,” sabi niya.
Ayon naman kay Ms. Ana mas handa na talaga ngayon ang ibang artists na gumanap sa kakaiba at challenging roles. “I’ve seen them grow in a short time, at ngayon nakilala nila ang sarili nila at mas naging confident sila na mag-explore ng iba’t-ibang roles at emotions.”
- Latest