^

PSN Showbiz

Robin Padilla bumuwelta sa mga nagpapa-boycott sa Bato...

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Robin Padilla bumuwelta sa mga nagpapa-boycott sa Bato...
Robin

Wow umaatikabo ang action scenes sa pelikulang Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story.

Bongga ang trailer, all out ang action. Lutang na lutang ang husay ni Robin sa pakikipagbakbakan.

Matagal ding napahinga si Robin sa action. Mapapasabak siya sa romance-comedy kaya parang panonoorin itong Bato movie niya kahit na nga iniintrigang may bahid ito ng pulitika at may pagbaban­ta ng boycott.

Sa trailer sa IG ni Robin ay nakalagay na : “Ang istorya ni general Bato ay istorya ng mga mahihirap na Pilipino. Istorya natin ito. Walang bolahan dito! walang nagkukunwaring mahirap at makamahirap. Ang bawat kataga at salita dito ay katotohanan at salamin ng isang simpleng Pilipino.... hindi anak ng mayaman hindi ilitista hindi makapangyarihan at hindi pamilyang pulitiko. Si Bato ay ikaw at ikaw ay si Bato Ang bawat Pilipinong naghihikahos ay si Bato!” pahayag ni Robin sa kabila ng pagkontra ng iba sa kanyang pahayag.

Sinagot din niya ang isyung pinabo-boycott ang nasabing pelikula. “May mga rebolusyonaryong nasa kabilang ibayo ang nais iboycott ang pelikula ko dahil sa pulitika. Hindi ko alam kung san nila natutunan na ang pagpigil sa paghahanap buhay ng manggagawa ay pagiging isang makabayan. Napakalayo po ng pagitan ng industriya ng Pelikula at Entablado sa Mundo ng Pulitika kahit na maraming artista ang nahuhumaling sa pulitika at napakarami din Pulitiko ang nahuhuma­ling sa mga artista at pag aartista..

“Ang mga nasa likod po ng Pelikula ay mga taong hindi palara! Sila’y hindi sumasamba sa piso at silay ay sobrang mga simpleng tao. Karamihan po dyan ay self employed hindi mga regular sa madaling salita isang kahig isang tuka rin. Napakahirap po ng buhay pelikula wala pong pinakamahirap na trabaho at pinakadelikado kundi ang paggawa ng pelikula. Lahat po ng pagpapaganda gagawin para sa panlasa ng mga manonood.

“We always give our very best lalo sa paggawa ng pelikulang action. Pakiusap namin sa mga rebolusyonaryo sa kabilang ibayo na mag isip din kayo bago kayo umaksyon at magsalita dahil kilala niyo rin kung sino ang mga maliliit sa mundo natin. Kailangan nila ng trabaho mga kapatid sa Pelikula hindi sila dapat maging biktima ng Pulitika natin dahil sa totoo lang wala pa naman nagawang maganda ang pulitika natin sa kanila ano man ang partido kaya kung makapagbibigay tayo ng trabaho sa kanila bakit naman niyo pipigilan?,” mahabang sabi ni Robin.

 Showing na bukas, January 30 ang Bato na dinirek ni Adolf Alix.

BATO: THE GEN. RONALD DELA ROSA STORY

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with