Pinoy Big Brother Big 4 pinu-push sumikat

Naka-jackpot na naman ang Pinoy Big Brother (PBB) sa tinanghal na Big 4 na kabataang babae para sa PBB Otso na sina Lie Repos­posa, 15, Jelay Pilones, 17, Kaori Oinuma,  16 at Karina Bautista, 16. 

Kasalukuyang lumilibot sa key cities ng bansa at sa mga programa ng ABS-CBN ang apat kasama ang kanilang mga male counterparts para mas makilala pa sila ng publiko dahil, obviously, may malaking plano sa kanila ang Kapamilya Network. 

Nag-guest sa Gandang Gabi Vice ang apat na babae kasama na naman ang apat at nagpakita pa sila ng iba nilang talento, pagtugtog ng gitara ni Kaori, pagkanta ni Lie, pag-beatbox ni Jelay at pag­rampa ni Karina na pinakaligawin nung nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya sa kabila ng pagkakaro’n niya ng boyfriend na nakahiwalayan din niya after niya lumabas ng PBB House.

Mga adult naman ngayon ang gumagawa ng istorya sa loob ng bahay na kung saan ay nagkita ang dalawang magkapatid na 23 years nang naghaha­napan.

Sadly, nominated ang babae for eviction dahil masama ang ugali niya, selfish at hindi rin naman kagandahan pero, masyadong bilib sa sarili. Kapag naligtas siya, dahilan lamang siguro sa marami ang nakikisimpatiya sa kapatid niyang lalaki na mapapalabas din ng bahay kapag napalabas siya. Tsk., Tsk. Tsk.

Vic walang bad blood sa lahat ng  EX!

Masasabing napaka-prolific ng lovelife ni Vic Sotto kung bibilangin ang mga babaeng naging girlfriend niya kundi man ay nagkaro’n ng anak sa kanya. Tulad nina Pauleen Luna na kabiyak niya ngayon, Dina Bonne­vie na asawa niya dati at ina nina Oyo at Danica Sotto, Pia Guanio, Christine Jacob, Coney Reyes na may anak siyang abogado, si Vico Sotto, Pia Cabreira, Chiqui Hollmann, Paula Luz, ina ng champion golfer na si Paulina Sotto, Kristine Floirendo, Kris Aquino, atbp. Kaibigan pa rin ni Bossing ang mga nabanggit na mga babae at kinikilala niya ang kanilang mga anak. 

Pelikula nina Eddie, jaclyn, at Elijah, tutulungan ng haf

Kasalukuyan pang umaani ng tagumpay at papuri ang pelikula ng Idea­First Company nina Perci Intalan at Jun Robles Lana na Born Beautiful. Nakakasa na rin ang dalawa pa nilang movies, ang Son of God at Between Sea and Sky na gagastusan at tutulungan ng Hong Kong Asia Film Financing Forum (HAF) ngayong taon. Tampok sa unang pelikula sina Eddie Garcia, Jaclyn Jose at Elijah Canlas.  

Pilipinas kasama sa 50th best country

Tulad ni Danny Vivas na isa sa itinuturing kong matalinong entertainment writer dahil guro ito hindi ng mga estudyante kundi ng mga titser, hangad ko rin na totoo at hindi peke yung balita na ang ating bansang Pilipinas ang 50th Best Country in the World.

Base ito sa isang survey na sinagot ng mga mamamayan ng 196 na bansa.

 ]Nasa pangunahing posisyon ang Switzerland, 8th ang USA at 16th ang China. Nasa 49th ang Philippines last year. Base ang survey sa trade, travel, investment, human rights, gender equality, religion at environment.

Show comments