Amy Perez sa gabi na lang nakikita ang pamilya
Ang 49-year-old radio anchor, TV host-actress nasi Amy Perez na marahil ang pinaka-busy among the female personalities with two daily TV shows and daily radio program to her credit.
Kinakailangan niyang gumising ng maaga para sa kanyang daily morning show sa ABS-CBN, ang Umagang Kay Ganda.
Magkakaroon lamang siya ng dalawang oras na break at saka siya tutuloy sa kanyang daily morning radio program sa DZMM, ang Sakto na dati nilang pinagsamahan ni Marc Logan at ngayon with Kim Atienza as her partner.
Pagkatapos nito ay tuloy na siya ng dressing room ng noontime show na It’s Showtime para magpalit ng damit in time for the show ng nagtatapos ng alas-4 ng hapon.
Unless may iba siyang appointment for the day, diretso na ng uwi si Amy to be with her three sons.
Sa gabi na niya makakasama ang kanyang present husband na si Carlo Castillo at magkakasama na silang nagdi-dinner with the kids.
Annuled na ang kasal ni Amy sa kanyang singer ex-husband, ang dating lead vocalist ng South Border na si Brix Ferraris kung kanino siya may isang anak na si Adi, now living in the U.S.
Matagal na panahong hinintay ni Amy ang kanyang annulment sa unang marriage bago niya napakasalan ang asawa ngayon nung November 12, 2014.
Ang mag-asawa ay meron nang dalawang anak, sina Sean Kyle at Isaiah.
Amy is related sa award-winning actress na si Lorna Tolentino maging ang action superstar na si Robin Padilla.
Mga Baklash ng Eat Bulaga mas bagay sa loob ng studio
May mga nagsa-suggest na sana’y gawin na sa loob ng studio ng Eat Bulaga ang kanilang BakLash singing competition sa halip na on location at gawin nang pormal ang presentation nito with matching judges nang ma justify naman ng mga contestants ang kanilang pag-aayos at paghahanda for the competition.
Pawang naka-gown at nakaayos ang mga participants ng Baklash na kumakanta on location sa gitna ng init. Mas mai-enhance pa ng Eat Bulaga ang nasabing segment kung ito’y gaganapin sa loob ng studio at hindi sa gitna ng initan lalupa’t magagaling ang sumasali sa nasabing segment.
Pure Magic sinimulan ng mga Kapamilya artist
Kung ang dating taunang star-studded Star Magic Ball ay ginawa nang ABS-CBN Ball nung isang taon, muling nag-create ang Star Magic (ang talent management arm ng ABS-CBN) ng panibago nilang event, ang Pure Magic na kanilang sinimulan nung nakaraang linggo, January 27, 2019 na ginanap sa grand ballroom ng Maruis Events Place in Bonifacio Global City sa Taguig na pinamahalaan ni Keren Pascual.
Ito’y dinaluhan ng stars and talents ng Star Magic na pinangunahan ni Piolo Pascual na siyang pinarangalang Lit of the Night, habang si Kim Chiu naman ang Star of the Night at si KZ Tandingan naman ang Glam of the Night.
Sa halip na nakasuot ng gown ang mga babae at suit naman ang guys tulad ng Star Magic Ball, naka-cocktail dress naman this time ang girls habang ang boys came in their semi-formal attire to make it distinct sa dating Star Magic Ball at ABS-CBN Ball.
- Latest