Bongga ang pag-amin ni Arjo Atayde na exclusively dating sila ni Maine Mendoza dahil talagang confirmation ito na may nagaganap na sa kanilang dalawa kaya hindi kataka-taka na nawindang ang AlDub Nation.
Pero siguro hudyat na ang nangyari para maging open na rin si Alden Richards sa kanyang feelings kung sakali man na meron na siyang natitipuhan na maging girlfriend.
Hindi naman porke may iba na silang gusto, wala na ang loveteam nila ni Maine dahil puwede naman na professionally magkasama sila, pero personally iba ang mga gusto nila at okey ito kung hindi seloso at selosa ang kanilang mga tunay na partner.
Basta okey sa mga karelasyon nila, puwede pa rin na magsama sa isang project at manatiling friends forever sina Alden at Maine.
Saka kahit na nga may iba na silang mga karelasyon at kung wala pang kasalan na nangyayari,anything can happen ‘di ba?
So ganyan lang, mabuti nga na honest si Arjo at si Maine, okey rin kaya hintayin na lang natin sino ang masuwerte na girl para kay Alden.
At least now, unti-unti nang lumilinaw ang katotohanan na matanggap sana ng fans nila.
Mga bumibili ng droga dapat ding bigatan ang parusa
So sad ang headline ng PM (Pang-Masa) na ‘Obispo Timbog sa Shabu.’ Grabe na pati ang alagad ng simbahan natukso sa droga?
Kapag nababasa ko sa mga diyaryo at napapanood ko sa TV ang mga kasamaan na ginagawa ng mga tao na naka-drugs, ang pagpatay, ang rape sa mga bata, lalo kong hinahangaan ang war against drugs ni President Rodrigo Duterte.
Dapat na talagang masugpo ang illegal drugs, mabawasan o kung hindi man, mawala nang lubusan kahit imposible na isipin.
Talagang salot sa lipunan ang prohibited drugs. Dapat na lalong maghigpit ang pamahalaan at higit sa lahat, mas mabigat ang parusa na ipataw sa mga gumagamit at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.
Dapat na bigatan ang parusa sa mga pusher at user dahil walang nagbebenta kung walang mga bumibili.
Pushers and users, hindi lang dapat ikulong, mas matindi at mabigat na parusa ang nararapat sa kanila.
Hindi ko akalain na ganoon na kalaki ang lawak ng influence ng drugs, hindi lamang sa mga bata, sa mga mahihirap at ngayon, pati sa sa mga alagad ng simbahan.
Ano ba ang tukso na dala ng illegal drugs para marami itong maakit? Kung bata parang tanggap mo pa dahil baka misguided pero kung may edad at may pinag-aralan ang mga nalululong sa paggamit ng mga bawal na gamot, kadiri na!
Sana masugpo na ang illegal drugs at sana magtagumpay na ang fight against drugs, please!
Barbie at Mika isasabong sa no. 1!
Ang Kara Mia ang napapabalita na itatapat ng GMA 7 sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.
Wala pang official announcement ang Kapuso Network kaya paniwalaan lang natin ang tsismis kapag kinumpirma na ng management na ang primetime teleserye na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ang ilalaban sa show ni Coco Martin.