Marco hindi nakatiis sa Italy!
It was in July last year nang madesisyon ang Fil-Italian ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate-turned actor na si Marco Gallo, 18 na pansamantalang talikuran ang showbiz para harapin ang kanyang pag-aaral sa Italy kung saan siya isinilang at lumaki.
Marami siyempre ang nalungkot lalung-lalo na ang kanyang fans at ang itinuturing niyang best friends in showbiz na sina Edward Barber at Maymay Entrata.
Although nagsisimula na ring magkaroon ng sariling career si Marco sa Italy bilang isang model, hindi maikakaila na sobra nitong na-miss ang kanyang naging showbiz experience sa Pilipinas.
Matapos ang six months na muling pamamalagi sa Italy, kinausap niya ang kanyang parents at nag-desisyong bumalik ng Pilipinas where he plans to stay for good at ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Malamang na dito na rin sa Pilipinas niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Fore sure, hahanapan ng Star Magic at ng ABS-CBN ng bagong ka-loveteam si Marco dahil may iba nang ka-loveteam ang dalawa niyang dating mga kasamahan sa PBB na sina Kisses Delavin at Vivoree Esclito. Si Kisses ay may Donny Pangilinan na habang bini-build-up naman ang tambalan nina Vivoree at CK Kieron na umaming nililigawan niya ngayon si Vivoree.
Jamie Rivera at The Company sanib puwersa
Isang kakaibang valentine treat ang handog ni Jamie Rivera at The Company sa kanilang valentine concert on February 14, 8 p.m. Na gaganapin sa music museum na nakatakdang idirek ni Marvin Caldito under Star Events and CCC Productions.
Pinamagatan itong Jamie in Perfect Company, matutunghayan sa nasabing concert ang respective hit songs nina Jamie at The Company plus other songs na pinasikat ng ibang OPM hitmakers at international artists.
Kung excited ang singer-composer na si Jamie na makatrabaho ang The Company, ganundin ang pakiramdam ng grupo na makatrabaho ang Inspirational Diva in a back-to-back concert.
Ang concert tickets ng Jamie In Perfect Company ay mabibili na sa Ticketworld at sa Music Museum mismo.
Arjo kayang ipagtanggol si Maine
Sobrang espesyal sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang kanyang pamilya at bagong napupusuan ngayon na si Maine Mendoza na kaya niyang ipagtanggol sa bashers.
Inamin na ng binata ni Sylvia Sanchez na exclusively dating sila ng ka-loveteam ni Alden Richards na si Maine Mendoza. Ito’y patunay na rin sa maraming sightings sa dalawa sa iba’t ibang okasyon.
Nagkalapit sina Maine at Arjo sa set ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na Jack Em Popoy: The Puliscredibles kung saan nagkasama ang dalawa.
Hindi rin ikinakaila ng younger sister ni Arjo na si Ria Atayde na gusto umano niya si Maine (para sa kanyang kapatid) habang ayaw namang mag-comment ng ina nina Arjo at Ria na si Sylvia Sanchez na masayang makita ang kanyang binata.
- Latest