^

PSN Showbiz

Pagbabalik ni Angel sa primetime, inabangan!

Pilipino Star Ngayon
Pagbabalik ni Angel sa primetime, inabangan!
Angel

MANILA, Philippines — Tinutukan ng mas maraming Pilipino sa buong bansa ang inaabangang pagbabalik-primetime ni Angel Locsin at ang makapigil-hiningang pilot episode ng The General’s Daughter matapos nitong talunin ang katapat na programa noong Lunes (Enero 21).

Kinapitan ang unang TV offering ng ABS-CBN ngayong 2019 sa pagpalo nito sa national TV rating na 34%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa unang episode, nakilala ng mga tao si 2nd Lieutenant Rhian Bonifacio at natunghayan ang muntikan niyang pagkamatay nang mabaril siya sa dagat sa gitna ng misyong iligtas ang mga mangingisda sa West Philippine Sea mula sa Chinese coast guards. Napadpad naman ang kanyang katawan sa isang dalampasigan kung saan niligtas siya nina Nanay Isabelle (Maricel Soriano) at anak nitong si Elai (Arjo Atayde), na parehong aalagaan si Rhian hanggang sa kanyang paggaling.

Tutukan ang The General’s Daughter sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

ANGEL LOCSIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->