MANILA, Philippines — Grabe talagang na-ransacked pala ang kuwarto nina Sen. Manny and Jinkee Pacquiao nang looban ng mga magnanakaw two days ago sa Los Angeles.
Base sa photos na pinadala ng isa sa mga confidante ng pamilya Pacquiao na si Bernard Cloma, grabe talagang nagkaroon ng chance ang mga magnanakaw na kalkalin ang kanilang bahay. As in super gulo ang buong kabahayan.
Medyo madalas daw kasi talaga ang nakawan sa nasabing lugar ni Sen. Manny at maraming Pinoy na nakatira doon.
May mga nag-a-advice na kina Sen. Manny and Jinkee na ibenta na ang nasabing bahay at bumili na lang sa mas safe na lugar bilang may pambili naman sila.
Muntik nang bilhin nina Manny and Jinkee noon ang bahay ni Jennifer Lopez sa Los Angeles, sa may Hollywood Boulevard, pero hindi natuloy. Naalala ni Nay Lolit Solis noon na nagpunta pa si Dra. Vicki Belo sa LA para mag-guarantor kung kailangan para sa nasabing bilihan. Pero hindi nga natuloy.
Supposedly ay ngayong umaga darating ng bansa ang Pambansang Kamao mula sa matagumpay na laban sa Amerikanong boksingero na si Adrein Broner na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin dahil nga umabot sa round 12 pero hindi muna siya tumuloy. Kasama sana niyang darating ang ibang pulitikong kaibigan na nanood ng laban.
Ayon sa isang malapit sa Pambansang Kamao, manonood muna ito ng basketball – Lakers vs. Warriors sa Staples Center at baka may kailangan din itong ayusin sa house niya.
Pero ayos na raw ang mata nito at wala namang nakitang serious problem.
Anyway, matagal-tagal na ring nasa Amerika ang pamilya Pacquiao.
Mga Taga-Bicol nadismaya sa ibang location ng General’s
Disappointed ang mga kababayan ko sa Camarines Norte sa first episode ng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Ang rason, iniba diumano ng production ang location credit sa ilang eksena na napanood kagabi.
Matapos nga namang i-accommodate ng local government ng bayan ng Basud at Mercedes (Camarines Norte) kung saan nagtulung-tulong daw ang mga taga-roon para maging smooth/maayos/comfortable ang mga artista, director, at writer, hindi man lang binigyan ng credit ang kanilang suporta na makakatulong nga naman sana ng malaki sa tourism program ng nasabing mga bayan ng Bicol.
Imbes daw na ilagay ay Camarines Norte, San Fernado, Ilocos Norte, ang binigyan ng credit ng nasabing primetime series. “Nakita pa naman yung magandang tulay ng Masalong-salong tapos magiging Ilocos Norte lang,” emote ng isang Bicolana na naghintay sa nasabing eksena.
Sa Matoogtoog at Pambuhuhan, Mercedes, Camarines Norte raw kinunan ang nasabing eksena na umere last Monday night na hinintay ng buong bayan nila hoping na makikilala ang kanilang bayan kahit na paano.
Oh bakit nga ba? Anong nangyari?
Or baka naman napagkamalan lang Ilocos ng production at hindi sinasadya ang nangyari?
Habang sinusulat ko ang balitang ito ay wala pang sagot ang ABS-CBN or kung bakit binago na nila.
Pinuri-puri pa naman ang unang episode ng The General’s Daughter.
Sure ako na aayusin nila ‘yan. Malamang lang nagkaroon ng honest mistake.
Si Angel pa ba. Kilalang mabait ang actress at super accommodating kaya walang rason para hindi nila itama ang kanilang ginawa lalo’t matagal din namang nabitin ang pag-ere ng The General’s Daughter.