PBB housemate na si Seth, parang kapatid ni Daniel
Ang sixteen-year-old ex-teen housemate ng Pinoy Big Brother Otso na si Seth Fedelin ay may potential na maging malaking star balang araw, same pattern ng kanyang mga iniidolong matinee idols na sina Daniel Padilla at James Reid.
Nang mag-guest si Seth sa Umagang Kay Ganda kung saan isa sa mga hosts ay ang ina ni Daniel na si Karla Estrada, inamin ng huli na puwedeng mapagkamalang magkapatid sina Daniel at Seth dahil may hawig umano ang dalawa. Ang hitsura ngayon ni Seth at 16 ay siya ring look noon ni Daniel when he was his age.
May girlfriend si Seth nang ito’y pumasok sa PBB Otso pero nang muling mag-usap ang dalawa matapos niyang lumabas ng PBB house ay sinabihan umano siya ng kanyang kasintahan na ipagpatuloy nito ang kanyang mga pangarap.
Since bata pa naman si Seth, gusto niya munang mag-focus sa kanyang bagong career at umaasa siyang matutupad ang kanyang pangarap na mag-artista at gusto umano niyang makasama ang dati niyang kasamahan sa PBB house na si Karina Bautista.
Born Beautiful mas bagay sana sa MMFF
Sayang at hindi nakapasok as one of the official entries sa nagtapos na 2018 Metro Manila Film Festival ang Born Beautiful ni Martin del Rosario na idinirek ni Perci Intalan. Isa siguro ito sa pinagkaguluhan ng moviegoers dahil maganda at very entertaining ang pelikula but it caters to an adult audience.
Napanood namin ang uncut advance screening ng Born Beautiful kung saan may special participation ang Die Beautiful star na si Paolo Ballesteros na ginanap sa UP Film Institute (Cine Adarna) sa loob ng U.P. Campus last Friday evening.
Magaling si Martin na siyang gumanap sa role ni Barbs Cordero, ang role na unang ginampanan ni Christian Bables sa Die Beautiful. Si Christian pa sana ang gaganap sa papel ni Barbs sa Born Beautiful pero umatras ito kaya napunta ang role kay Martin del Rosario who was actually a good choice. Hindi lamang maganda si Martin bilang isang transgender woman kundi napakahusay niya sa pelikula na tinampukan din nina Kiko Matos, Akihiro Blanco, Chai Fonacier, Lou Veloso, Elora Espano, Joey Paras, Jojit Lorenzo, Gio Gahol at VJ Mendoza.
Ang may likha ng Die Beautiful ay ang writer-director na si Jun Lana ang siya ring creator ng “Born Beautiful” kasama ang mga screenwriters na sina Rody Vera at Elmer Gatchalian. Ang pelikula ay dinirek ng writer-director ding si Perci Intalan at magkakatulong na prinudyos ng Cignal Entertainment, Octobertrain Films at The IdeaFirst Company ng mag-partner na Jun at Perci.
Matutunghayan ito na sa mga sinehan simula sa January 23.
- Latest