Rambulan ng mga artista sa pulitika, simula na
Kinasasabikan ngayong 2019 ang magiging kapalaran ng mga artistang kakandidato.
Susubukang bumalik sa Senado nina former Sen. Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Lito Lapid.
Sa Congress, andiyan sina Edu Manzano, Long Mejia, Richard Yap, Rommel Padilla and Mocha Uson (Party List). For reelection sina Cong. Monsour del Rosario, Cong. Alfred Vargas, Rep. Vilma Santos, Rep. Yul Servo, Rep. Lucy Torres, Manila Mayor Joseph Estrada, and Manila councilor Robert Ortega.
Sa local position ay makikipaglaban sina Isko Moreno, Joey and Jeremy Marquez, Imelda Papin, Mark Lapid, Sheryl Cruz, Gary Estrada among others na ang iba ay sa kani-kanilang probinsiya.
Walang bawal sa pre-election campaign kaya simula ngayong araw asahang simula nang kampanya.
Bagyo nakaapekto sa MMFF
Nakaka-sad na ang konti nang nanonood ng sine last Sunday.
Sa isang mall sa QC, nang silipin namin, parang gitna na lang ang may tao. Samantalang hindi pa nakaka-one week ang MMFF.
Abala yata ang marami sa pamimili sa mga ihahanda kagabi - for New Year’s eve kaya ganun. Or siguro sa bagyo na rin.
Sa katabi naman nitong mall ay P400 ang entrance kaya wala ring masyadong tao.
Sana nga ay madagdagan ang mga nanonood ngayong bagong taon. Nakaka-miss ang panahon na ang daming pumipila at maingay ang lobby ng mga sinehan.
‘Wag naman sana itong maging sign sa magiging kapalaran ng mga pelikulang Tagalog next year.
In all fairness naman, marami nang nakalinyang ipalabas next year na sana ay mga kumita naman.
Mga eklay na hula nagpapasaya noon
Sayang at hindi na uso ang manghuhula.
Noon kasing ‘unang’ panahon, nakakaaliw ang mga hula pag bagong taon kahit alam mong eklay lang naman ang iba. Nagpapasaya sa buhay. Gone are the days na aligaga sila sa TV guestings.
Ngayon kasi lahat puwede nang manghula sa social media. Hihihi.
Basta gawin nating mas positive at masaya ang 2019. Hindi na uso ang mga negative.
Happy New Year everyone.
- Latest