^

PSN Showbiz

Kwento ng oso na tumulong sa WWII gagawing pelikula

James Relativo - Philstar.com
Kwento ng oso na tumulong sa WWII gagawing pelikula
Makikita sa handout na ibinigay ng Polish Institute at Sikorski museum si Wojtek kasama ang mga sundalo ng 22nd Polish Artillery Company noong 1943.
AFP/Handout/The Polish Institute and Sikorski Museum - London

MANILA, Philippines — Gagawing animated film ang buhay ng isang oso na tumulong noong World War II sa Poland para sa ika-75 anibersaryo ng "Victory in Europe Day" o pagsuko ng Nazi Germany sa Allied Forces.

Ikwinento ni Wojciech Narebski, ngayo'y 93-anyos na, kung paano tumulong ang Syrian Brown Bear na si Wojtek sa digmaan kontra sa pwersa ni Adolf Hitler.

"When he saw that we were struggling, he'd want to help... He'd come over, grab a crate and carry it to the truck (Kapag nakikita niyang nahihirapan kami, gusto niyang tumulong... Lalapit siya, kukunin ang kahon, at bubuhatin 'yon papunta sa trak," sabi ni Narebski.

Nakasama ni Narebski si Wojtek sa 22nd Artillery Supply Company at itinuring ding sundalo.

"Of course he got a reward. Honey, marmalade. That was his favourite (Siyempre may gantimpala siya. Pulot, marmalade. 'Yun ang paborito niya)," dagdag ni Narebski.

Sinabi rin ni Narebski na umiinom din ng serbesa si Wojtek, naliligo, at nilalambing ang kanyang handler tuwing gabi.

Sa tuwing may natatalo raw ang oso sa pakikipaglaro, dinidilaan daw ng 490-pound na hayop ang mukha nito na tila humihingi ng tawad.

Nagsimula ang kwento ni Wojtek nang matagpuan ng mga sundalong Polish sa Persia ang noo'y maliit pang oso. Isinama nila ang hayop sa Iraq, Syria, Palestine, Egypt, Italy at Scotland para magpataas ng moral ng mga sundalo.

Target na maipalabas ng British-Polish filmakers ang pelikulang  "A Bear Named Wojtek" sa 2020.

'Real-life fairytale'

Noong una'y hindi pa naniwala ang producer ng cartoon na si Iaian Harvey nang lumapit ang Scottish animator na si Iain Gardner tungkol sa proyekto.

"To be honest I thought, 'This man has had too many whiskys' (Seryoso, noong una akala ko lasing lang siya)," sabi ni Harvey. Ngunit sa paglaon ng panahon, nasabi na lang niyang totoo ang magic ng pelikula.

"When you actually find a story that is almost like a fairytale but is real, and documented and true, it just opens up so many more emotions I think (Kapag nakakita ka ng istorya na parang fairytale pero totoo, at naitala sa kasaysayan, nagbubukas ito ng maraming emosyon sa tingin ko)," dagdag ni Harvey.

May sariling paybook at rasyon ang maamong si Wojtek. Nabigyan pa nga ng ranggo ang hayop para makapaglakbay mula Egypt hanggang Italy. 

Isa siyang corporal.

"The port authority is being difficult about the bear and monkey (Hindi agad-agad pinayagan ang port authority ang mga oso at unggoy)," ayon sa 1944 entry sa journal ng kumpanya, na nagpatunay tungkol sa iba't ibang hayop na isinama sa giyera.

'Yan din ang sinabi ng Polish refugee na si Krystyna Ivell, na merong sariling hunyango (chameleon) sa Palestine.

"You have no mother, you have no sisters, you have no father, you're all alone, you might die, so of course you find something to love (Wala kang nanay, walang kapatid, walang tatay, nag-iisa ka, pwede kang mamatay, kaya maghahanap ka talaga ng mamahalin)," ayon sa 83-anyos. Siya rin ang responsable sa paglikha ng librong "Wojtek Album," na naglalaman ng mga litrato at mga kwento tungkol sa oso.

Tila tao

Ang espesyal kay Wojtek, ayon kay Narebski, ay akala niya'y tao rin siya.

"Because he was brought up from a cub among people, he acquired human traits... In a bear's body there was a Polish soul (Dahil pinalaki siya kasama ang mga tao, nakuha rin niya ang ugali ng mga tao... Sa loob ng isang oso ay may kaluluwa ng isang Polish)," sabi niya.

Ayon kay Gardner, interesante raw ang pagiging masunurin ni Wojtek.

"The most common kind of cultural shared image that we have of a bear is that it's a savage animal. You know, it's a beast (Madalas ang imahe ng oso sa atin eh mabangis silang hayop. Na halimaw sila)," dagdag ni Gardner.

Sa gitna ng World War II, sinabi niyang kwekwestyunin mo kung sino ba talaga ang hayop.

Matapos ang giyera, napunta si Wojtek sa Edinburgh Zoo sa Scoland, kung saan siya namatay noong 1963 sa edad na 21.

Kinilala ng BBC ang hayop sa kanyang pagkawala at sinabing kahinahinayang ang pagkamatay ng sikat na Polish soldier.

ANIMATED FILM

BEAR

CARTOON

WORLD WAR II

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with