Tagumpay ang joint venture production ng Star Cinema at ABS-CBN streaming service na iWant na Quezon’s Game, isang pelikulang nagbibigay pugay sa pagliligtas ng dating presidente ng Pilipinas na si Manuel L Quezon sa mga Hudyo dahil nakapag-uwi ito ng 12 awards sa Autum Selection of the Cinema World Fest.
Pagkatapos sa Autumn Selection, makikipaglaban ang Quezon’s Game sa iba pang quarterly winners. Nasa kamay ng Cinema World fest ang magiging paborito nila sa taon at ipapalabas ito sa isang gala event na magaganap sa Heron Amphitheatre in Ottawa, Canada ngayong taon. Ang mga manonood din ay makakapili ng kanilang paborito at mabibigyan ng CWFA Trophy.
Base sa tunay na pangyayari, ang naturang period movie ay nanalo ng Award of Merit for Drama Feature, samantalang ang bida nitong si Raymund Bagatsing na gumanap bilang Manuel Quezon, at si Rachel Alejando na gumanap bilang asawa niyang si Aurora ay nakatanggap ng Award of Excellence for Actor at Actress.
Nanalo ng Award of Excellence for Supporting Actor ang American actor na si Billy Callion na gumanap bilang Amerikanong businessman na tumulong kay Quezon.
Nakuha naman ni Mattew Rosen, isang award-winning TV commercial at music video director at ang isa sa mga nagtaguyod ng larangan ng data post-production sa bansa, ang Award of Recognition for Directing.
Nakatanggap pa ng maraming technical awards ang pelikula.
Ang kwentong ito na nangyari noong 1938, ay umiikot sa pagsali ni Manuel L. Quezon sa grupo ng noong magiging presidente pa lamang ng Estados Unidos na si Dwight Eisenhower, at ilan pang kilalang tao sa pagsagip nila sa Jewish refugees mula sa Germany at Austria. Sinubok man ng iba’t ibang dagok--- kabilang ang paglaban ni Quezon sa pagbalik ng kanyang sakit na tuberculosis---nalagpasan ito ng grupo at nailigtas nila ang 1,200 refugees.
Sinasabing sa kanyang mga huling sandali sa mundo, nagbitaw pa ng tanong si Quezon na “Could I have done more?” sa kanyang pagbabaliktanaw sa isa sa mga hindi masyado kinalala ngunit makabuluhang kwento sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang Cinema World Festival ay ginagawa sa Canada at tumatakbo ng apat na beses: Winter Selection (Disyembre – Pebrero), Spring Selection (Marso– Mayo), Summer Selection (Hunyo – Agosto), and Autumn Selection (Setyembre – Nobyembre).
Magkakaroon ng Philippine premiere ang Quezon’s Game ngayong taon at magiging available din sa iWant matapos maipalabas ito sa sinehan.