Pia peke ang pag-iyak sa dance contest?!
Isang nakakaiyak na gabi ang ipinagkaloob ng ABS-CBN nung Sabado. Maarte nga siguro ako dahil naiyak ako sa episode ng Maalaala Mo Kaya tungkol sa isang napaka-tragic na love story starring Barbie Imperial at Paulo Angeles.
Magaling ang dalawang kabataang artista, nakapagpakilig sila ng manonood at nagpaiyak din. Si Barbie hindi na pagtatakhan kung saan nanggaling ang husay sa pag-arte coming from Araw Gabi pero Paulo was a revelation. Magiging malaking inspirasyon siya ng kanyang grupong Hashtags at pride rin sa ipinamalas niyang performance.
Naiyak din ako sa dalawang grupo ng contestants ng World of Dance Philippines. Hindi na ako nagtaka dahil bilib ako sa talento ng mga Pinoy pero, pinaiyak pa rin nila ako sa ipinamalas nilang husay ng performance. It was pride that made me shed tears.
Samantala, magandang tambalan naman sina Luis Manzano at Pia Wurtzbach pero, hayaan sana sila ng istasyon na maipamalas ang kanilang mga tunay na reaction. Marami ang nagsabing hindi natural ang pag-iyak ni Miss Universe 2015 bilang reaksyon sa kuwento ng isang contestant. Bakit naman hindi, ako nga naluha sa naramdaman ko, baka siya rin.
Okay ang mga judge na sina Gary Valenciano, Billy Crawford at Maja Salvador, pero gusto ko namang makita sila na hindi masyadong mabait sa kanilang judgement. Sa kanilang trabaho, hindi nila maiiwasang maging cruel to be truthful. Gugustuhin yun ng manoood.
Derek urong-sulong ang desisyon
Marami ang nagtataka kung bakit urong-sulong si Derek Ramsay ng pagpirma ng kontrata sa GMA-7. Hindi ba siya sigurado sa gagawin niya kung kaya pati mga project na sinasabing gagawin niya ay unti-unting nawawala at naibibigay sa iba? Napalitan na siya ni Gabby Concepcion sa project na kasama sana si Jennylyn Mercado. Naudlot pa yung sa kanila ni Marian Rivera dahilan sa pagbubuntis nito. Medyo matatagalan ang gagawin niyang paghihintay para sa availability nito.
Jessy natulungan ng pagpayat
I’m sure proud si Luis Manzano sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola dahil maganda ang pelikula nitong The Girl in the Orange Dress sa Metro Manila Film Festival 2018. Patunay ang pagkakaroon nito ng follow up movie agad agad sa unang taon ng 2019. Ito ang Tol, isang rom-com movie.
In fairness madaling bumagay si Jessy sa sino mang ipareha sa kanya. May nagsabi bang wala silang chemistry ni Jericho Rosales sa TGITOD? Additional credits ni Jessy ay pagiging mas mapayat niya at mas maganda pa ngayon.
Regine ramdam ang pagkawala sa GMA
Tama lang yung desisyon ng GMA-7 na isama sa ginaganap na Kapuso Concert Series nila ang 3 Stars 1 Heart na una nang sinimulan nung Kapuso pa si Regine Velasquez. Lumibot ito kasama sina Christian Bautista at Julie Ann San Jose hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa labas nito para sa sari-sariling promosyon ng GMA at ng mga palabas dito.
Hindi naman matitigil ito kahit pumakabilang bakod na si Songbird dahil meron at merong maaring kumuha ng kanyang puwesto at makakatulong din ng malaki para mas mapasikat pa ang mga nanalo sa malaking pa-contest nila sa pagkanta na The Clash.
Sa TV andyan na si Lani Misalucha, ewan lang kung pati sa concert series ay kasama siya dahil baka kailanganin na naman niyang lumabas ng bansa.
Regine is indeed a great loss to the Kapuso Network. Pero, andyan pa naman sina Christian at Julie Anne. Malakas na support sila sa sino mang makakasama nilang bago.
Unang susubukin sa big time ang The Clash grand champion na si Golden Cañedo. Makakasama siya ng grupo nina Super Tekla, Donita Nose at ng isa pang The Clash finalist na si Josh Adornado sa Iloilo Convention Center sa January 27. Pagkatapos sa Iloilo ay dadayo pa sila sa ibang mga probinsya at key cities ng bansa, indeed a great opportunity for the The Clash winners and finalists na mabigyan ng exposure at makilala pa.
- Latest