Inggit ako kina Cristy Fermin at Nestor Cuartero. Kapag umaani sila sa kanilang mga farm, ipinamimigay nila ang mga saging, talong, mais, ube at iba pa.
Bongga na nag-invest ang dalawa sa farm at may ganito sila na pang-past time. Twice a month na umuuwi si Cristy sa Nueva Ecija at si Nestor sa Batangas para anihin ang bunga ng kanilang mga pananim na talagang nakakatuwa.
Si Cristy nga, meron pang itlog na pula na sila ang gumagawa at si Nestor naman, iniluluto ang ube at ipinatitikim sa mga friend niya.
Naisip ko nga, dapat siguro meron din akong ganoon na hobby o pampalipas-oras pero hindi bale na, give naman ako nina Cristy at Nestor ng mga produce nila.
Ang watching na lang ng mga Koreanovela ang iintindihin ko kapag retired na ako. Talagang tamad kasi ako by nature, hindi ko kakayanin ang magtanim.
Watching na lang ang gagawin ko kaya panay ang pa-download ko ngayon ng mga Koreanovela para marami akong collection na panonoorin kapag wala na ako sa showbiz.
‘Hindi ako tinamaan, lahat sablay!’
Nagtataka ako kapag may mga nagsasabi na binira, isinulat at siniraan ako sa column ni ganito o ni ganire.
Hindi ako nagtataka kung may mga galit sa akin, naiinis, nayayabangan, nasusupladahan o basta ayaw sa akin.
Okey lang ‘yon, hindi maiiwasan dahil may pagka-luka-luka naman talaga ako pero ‘yung mag-aksaya ka ng panahon para birahin ako sa mga column o write up, hindi ko maintindihan.
Sino ba ako? Ganoon ba kalaki ang interes sa akin para basahin ang anumang bagay tungkol sa akin? Big celebrity ba ako?
Nagkakaroon na tuloy ako ng ilusyon. Kung minsan, naiisip ko newsmaker ako at interesting kaya isinusulat.
‘Di ba nagbibigay pa ng pakimkim ‘yung iba para isulat? Wala naman ako ibinibigay na pakimkim pero sulat pa rin sila nang sulat ng tungkol sa akin.
Siguro nga, malaki ang nagagawa ng edad para mabago ang outlook ng tao. Kung noon nangyari ang mga pagbira at paninira sa akin, tiyak na susugod at sasagot ako dahil confrontational ang personalidad ko pero iba na ngayon.
Iba na ang point of view ko kaya kahit ang bashers, hindi ako apektado at ito rin siguro ang nagbigay sa akin ng long years ko sa showbiz, iba na ang perspective ko, iba na ang dating sa akin ng harsh comments.
Hindi naman ako naging bato, may tama rin ng sakit pero kapag kilala o nakasama ko ang tao. Kung ang nagsalita ng masakit eh close sa akin at minahal ko pero kung kakilala ko lang o lalo na’t hindi ko kilala, magdusa ka, keber sa akin ang opinyon mo.
Doon ako mayabang, kung hindi ako matibay, sana wala ako dito. Kung totoo ang bintang mo, sana hindi ako nakarating dito sa posisyon ko.
Umpisa pa lang ng writing career ko noon, target na ako dahil malakas nga ang dating ko pero wala naman naka-hit the mark.
Hindi ako tinamaan, lahat sablay. Sorry na lang, si Lolit Solis ako, batang Sampaloc, jologs, no if’s, no dont’s, just plain Lolit Solis.