Diego kinokondisyon na ang sarili sa pagiging Kapuso?!

Mukhang dumarami at hindi na mapipigilan ang paglaki ng bilang ng mga Kapamilya na lumilipat o lilipat ng GMA 7. Hindi mga starlet o bit players lamang ang mga nagnanais lumipat ng istasyon kundi mga malalaking artista na may isa o dalawang dahilan para layasan ang kinabibilangan nilang network. Isa sa mga nabalitang magiging Kapuso na ay si Diego Loyzaga na sinasabing susundan ang kanyang inang si Teresa Loyzaga na nauna na sa kanyang lumipat ng GMA. Lumalabas si Diego sa Los Bastardos nang magambala ang serye dahil sa umano’y pagtangka niyang pag-suicide. Nawala siya sa kuwento at nang malaunan ay pinatay na lamang ito. 

Sayang dahil maganda ang kanyang role. Pero sa malas ay mananatili nang patay ang kanyang character, tapos ngayon ay nababalitang lilipat na siya ng network na marahil ay siyang dahilan ng kanyang pagpapasyang layasan na ang istasyon. 

Mahirap nga namang maka-get over sa isyu na pinagdaanan niya at kaysa maghintay pa ng isang walang katiyakang bukas bilang Kapamilya, magsisimula na lamang siyang muli sa kabilang istasyon.

Lilipat din daw ng GMA si Richard Yap. Hihintayin lang niyang matapos ang kanyang kontrata bilang Kapamilya at pagkatapos ay go na siya. Matagal nang natapos ang Sana Dalawa Ang Puso ng aktor pero, hanggang ngayon ay wala pa itong kasunod. Bagaman at hindi bread and butter ng Tsinong aktor ang kanyang pagaartista, isang trabaho ito na mahal niya at nami-miss niya. Maraming Kapuso actor ang tiyak na mababawasan ang work sa pagdating ng dalawang bagong recruit.

Xian at Louise susubukan  kung may kilig

Tanggapin sana ng manonood ang bagong tambalan nina Xian Lim at Louise delos Reyes. Mapapanood ang dalawa sa kauna-unahang pagtatambal nila sa Hanggang Kailan dating Baka Hanggang Dito Na Lang na pinalitan ang titulo dahil sa sinasabing negative effect nito. Pareho nang Viva artist ang dalawa kung kaya nabigyan sila ng project na magkasama. Both Xian and Louise are no longer part of a tandem. Maganda sana at magustuhan ng mano­nood ang napiling kuwento para sa kanila.

Ricci makaka-triangle ng LizQuen

Maagaw kaya ni Ricci Rivero si Liza Soberano kay Enrique Gil? Bagaman at isang Kathniel fan ang basketbolista, may plano na isasama siya sa isang LizQuen project, problema lamang ay magiging third wheel siya sa loveteam eh, ayaw ito ng mga fanatic niya. 

Ricci has as many fans as the famous loveteam, hindi sila papayag na maging kontrabida lang ang idolo nito. Pero ang pangunahing problema ay makakaya ba ni Ricci na isingit ang project sa siksik na sked niya? He plays for the UP Maroons sa UAAP. 

Lito at Mark nakabitin ang pelikula

Nanganak na ang exposure ni Lito Lapid sa FPJ’s Ang Pro­binsyano. May natapos siyang isang action movie, ang Lumang Bakal sa CineBro ng ABS-CBN. Kasama pa rin niya dito ang anak niyang si Mark Lapid na katulad niya ay lalahok din sa darating na halalan. Si Lito ay tatakbong muli para sa Senado kaya sana ay maipalabas ang movie niya bago pa magsimula ang campaign period. Kasama sa movie na sinulat at dinirek ni Ato Bautista sina Jinri Park, Paolo Paraiso, Empress Schuck, Alex Vincent Medina, at Levi Ignacio. 

Eddie matalas pa ang memory kahit 90 na

Happy 90th birthday kay Eddie Garcia, kaarawan niya sa May 2. Kapuri-puri siya dahil at his age ay ang dami-dami pa niyang tinatanggap na offers, at patuloy ang pananalo niya ng awards for acting. Yung ibang kaedad niya o mas nakakabata pa sa kanya ay hirap nang mag-memorize ng script pero, minamani lang ito ng beteranong aktor.

Tatlong acting award ang napanalunan niya nitong 2018 at bagaman at special prize lamang ang isa, nonetheless, patunay pa rin ito ng kagalingan  niya bilang aktor.

Show comments