^

PSN Showbiz

Mga produktong hindi nagbabayad ng sobrang mahal sa endorsers, mas pinag-iinteresan na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Year ngayon Salve ng bagong entrepreneurs like Kamiseta, Beautederm, Ivi Meth at mga commercial na hindi na masyadong centered sa mga big star at movies na iba ang tema.

Marami nang pagbabago sa paligid na I think, will be better for consumers.

Magiging mabili ang mga product na gawa ng maliliit na suppliers na talagang lalaban sa big names kahit pa nga grabe kung gumasta ang mga ito sa ads at gumagamit ng big name stars.

Kung minsan kasi, sa budget pa lang sa commercials malaki na kaya madalas na mataas ang presyo ng products nila.

Now let the quality of the products speak for itself, ‘yung mga pinag-uusapan na talagang masarap kaya binibili.

Napansin ko nu’ng Pasko na marami mga regalo ang homemade, mga pagkain na ginawa personally kaya sure ako na dahil nagandahan at nasarapan ang mga nakatanggap, marami na ang bibili.

One way para makilala ang produkto mo, pagandahin ang packaging like ‘yung kay Ka Tunying, maganda ang packaging kaya magugustuhan mo na ipamigay at makikilala ng lahat.

Now is the year of new things and I hope, a better year for all of us.

MMFF kailangan ng bagong putahe!

Natuwa ako sa balita ni Noel Ferrer na over P1 billion ang kinita ng 2018 Metro Manila Film Festival.

Kahit umulan at mahal ang presyo ng tickets sa mga sinehan, bongga pa rin ang kinita ng mga pelikula.

Mabuti naman dahil kung iisipin, naghihirap ang mga movie producer na gumawa ng mga pelikula kaya dapat lang na tangkilikin ito.

Sure ako na ngayon pa lang, nag-iisip na ang mga producer ng mga pelikula na gagawin nila at isasali sa filmfest sa December 2019 dahil sa good news na lumampas nga sa P1 billion mark ang gross ng Metro Manila Film Festival 2018.

Pero tulad nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin, dapat na mag-isip ang mga movie producer ng mga bagong putahe na kakaiba sa mga dating ginagawa nila.

‘Yung bago sa mata para lalong sumaya ang mga manonood at basta  tiyakin lang na mga sikat na artista ang kasali para mas malaki rin ang box office gross.

Ngayon pa lang, waiting na ang manonood sa 45th Metro Manila Film Festival.

Kris at Gretchen mahirap pagpilian

Kahit ako man ang nasa posisyon ni Dolor Guevarra, sure ako na magiging mahirap talagang piliin kung sino kina Kris Aquino at Gretchen Barretto ang kakampihan niya.

Parehong mabait at generous sa kanya ang dalawa at siyempre, hindi niya alam kung sino ang mas ipagtatanggol.

Ang suwerte ni Dolor ha, parehong rich Asians ang kanyang friends. Hindi lang niya maituro kung sino ang crazy.

Basta ako, hindi ko matatanggap na power tripper o bully si Kris. On the ground, nakita ko how many times na hindi niya ginamit ang pagiging Aquino at sa bully accusations naman, maniwala kayo sa akin, mas madalas na siya ang binu-bully.

Ilan beses ko nang pinaiyak si Kris dahil sa mga kagagahan ko pero never niya ako ginantihan.

Basta buti pa si Dolor, may dalawa nang Jewelmer kaya hirap siya na pumili.

vuukle comment

2018 METRO MANILA FILM FESTIVAL

GRETCHEN BARRETTO

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with