Isa nang ganap na Kristiyano ang second child ng mag-partner na James Yap at Michela Cazzola na si Francesca Michelle matapos itong binyagan nung nakaraang January 6 (Sunday) sa Santuario de San Antonio Parish in Forbes Park, Makati City. Ang panganay ng mag-partner na sina James at Michela na si Michael James or MJ ay two years and five months old na.
Ilan sa mga tumayong godparents ni Baby Francesca ay ang manager-producer ng cager na si James na si Dondon Monteverde, sister nitong si Roselle Monteverde-Teo, ang actor na si Raymart Santiago, ang dating basketball player-turned politician na si Francis Zamora at iba pa.
Si James ay may 11-year-old son sa kanyang ex-wife na si Kris Aquino na si James `Bimby’ Aquino Yap at may isa pang older son sa isang non-showbiz girl. Tatlo na bale ang anak na lalake ni James at babae naman ang kanyang bunsong anak na si Baby Francesca.
Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinakakasalan ni James ang partner nito, ang Italian national na si Michela sa kabila na matagal na ang kanilang relasyon at meron na silang dalawang anak, sina MJ at Baby Francesca.
Dennis type rin si Coco!
Sa simula pa lamang ng kanilang Cain at Abel teleserye sa GMA ay aminado na ang co-star ni Dingdong Dantes na si Dennis Trillo na mahihirapan silang makipagsabayan sa ratings ng katapat niyang programa, ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin pero ganun pa man, ipinagmamalaki ni Dennis ang kanilang serye ni Dingdong dahil ibinibigay umano nila ang kanilang 100% best efforts sa nasabing programa na magkatulong na pinamamahalaan nina Don Michael Perez at veteran action director na si Toto Natividad.
Given the chance, gusto rin ni Dennis na makatrabaho ang mga taga-Kapamilya sa pamamagitan ng pelikula at isa na si Coco sa gusto niyang makatrabaho. Dennis had the chance to work with Kapamilya stars Kim Chiu at JC de Vera sa kanilang Metro Manila Film Festival movie na One Great Love na nagtapos nung nakaraang Lunes, January 7.
Luis hanggang joke lang ang proposal kay Jessy?!
Ang isa pang kinaiinipan ng marami na mag-propose ay ang TV host-actor at celebrity endorser na si Luis Manzano sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.
Although may mga pabirong pahaging na rin si Luis sa kanyang kasintahang si Jessy, ayaw itong seryosohin ng huli o ng mga taong nakakakilala sa binata ng estranged couple na sina Vilma Santos at Edu Manzano. Pero kung ang mga magulang lamang ni Luis ang masusunod, gusto na rin nilang mag-asawa ang kanilang panganay para magkaroon na rin sila ng apo.
Speaking of Luis, walang alinlangan na si Luis talaga ang maituturing na No. 1 TV host sa bakuran ng ABS-CBN pagdating sa mga entertainment game shows and reality programs at kasama na rito ang Sunday musical show na ASAP Natin `To. Last Sunday ay nagtapos sa ere ang I Can See Your Voice na tumagal sa ere ng mahigit isang taon at papalitan ang naturang programa ng bagong dance competition, ang World of Dance Philippines kung saan sila ni Pia Wurtzbach ang tatayong hosts at ito’y mapapanood every Saturday and Sunday evening simula sa darating na Sabado, January 12. Muli ring ni-revive ang bagong season ng Minute to Win It na araw-araw naman mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes with Luis still hosting the show.