Clint at Catriona noong September pa hiwalay!
For real o press release lang?
Ngayong ginagampanan pa ni Catriona Gray ang kanyang duties and responsibilities bilang Miss Universe 2018, hindi pa masasabi kung papasukin na rin ba niya ang showbiz.
Marami na kasing mga producer ang gusto siyang kunin sa isang proyekto, pero aware naman sila na kailangang idaan pa rin sa Miss Universe.
Bukod sa mga producer, pati ang ilang artista ay type siyang makasama.
Kahit nga ang baguhang aktor na apo ni Sen. Tito Sotto na si Mino Sotto ng pelikulang Boy Tokwa, type din daw niyang maka-partner si Catriona, dahil crush niya ito.
Pero wala pang makapagsabi kung aling production outfit ang unang makakuha kay Catriona bilang artista.
Ang isa pang naririnig naming balak kunin ang kasalukuyang Ms. Universe ay isang production na magpu-produce ng isang musical play.
Kumakanta kasi si Catriona, kaya bagay daw ito sa isang magandang role na bida sa musical play na si direk Joel Lamangan daw ang magdidirek.
Meron kasing binubuong musical play na gagawin daw ni direk Joel at tina-target daw nilang magbida ay si Catriona at ka-partner si Jericho Rosales.
Pero wala pa namang na-finalize at ayaw pa ngang mag-comment ni direk Joel tungkol dito.
Samantala, reliable din ang nagkuwento sa amin na nung September pa raw pala break sina Catriona at ang model-boyfriend niyang si Clint Bondad.
Mukhang may bahid daw ng katotohanan itong kina Catriona at Sam Milby.
Javi Benitez split na kay Katarina, type pa ring makatambal si Liza kahit naba-bash
Napapansin na pala ang anak ni Cong. Albee Benitez na si Javi Benitez.
Patapos pa lang siya sa workshop sa Star Magic at hindi pa raw niya alam kung ano ang plano ng Star Magic sa kanya.
Pero habang nag-a-acting workshop daw siya, lalo raw niyang nai-enjoy ang pag-arte at napagtanto niyang gusto niya talagang mag-artista.
Sinunod muna niya ang payo ng magulang niyang tapusin ang pag-aaral at magtrabaho sa kumpanya ng Daddy niya.
Naka-graduate si Javi sa Sta. Clara University sa San Francisco, California sa kursong Political Science at Computer Science.
One year daw siyang nagtrabaho sa Daddy niya, at ngayon ay pinagbigyan na siyang mag-showbiz.
Nung September last year daw siyang nagsimulang mag-workshop at malapit na niya itong matapos.
“Sobrang saya…parang you become vulnerable, yun ang sinasabi sa akin ni direk Ryan (Carlos) dati.
“I was learning a lot yung emotions, I connect to a lot of people and..siyempre mga kasama nagiging almost family na rin kasi you open up to all of them di ba?
“Every workshop, na-check ko sa sarili ko na parang gusto ko…na every week mas nagiging interesado ako,” nakangiting pahayag ni Javi.
Hindi naman itinanggi ni Javi na naging sila ng Ms. World Philippines na si Katarina Rodriguez.
Hindi na raw sila ngayon, pero friends pa rin daw sila.
“Meron talaga. Hindi lang nag-prosper kasi I was in the States, tapos busy din siya dito.
“Mas okay na friends kami,” sagot sa amin ni Javi.
Kapag naging artista na raw siya, sinasabi niya noon na gusto niyang maging leading lady si Liza Soberano dahil crush daw niya ito noon pa. Pero nung sinabi raw niya sa nakaraang presscon niya, nakatikim daw siya ng matinding pamba-bash mula sa LizQuen fans.
Nakaranas siya ng pamba-bash nang sinabi niyang si Liza Soberano ang crush niya.
Kung maging artista raw siya, gusto raw sana niyang masunod ang yapak ni John Lloyd Cruz.
Alden siniguradong walang talo sa bubuksang negosyo
Hindi pa pala sure kung sina Alden Richards at Maine Mendoza na nga ba ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.
Kung tatanungin mo ang mga taga-GMA Artists Center, tila hindi pa sila ganun ka-okay na gawin ito ni Alden dahil mas gusto raw nilang drama ang next soap ng Pambansang Bae.
Mas maaksyon ang naturang Koreanovela na nagawa na rin naman ni Alden sa Victor Magtanggol, kaya gusto nilang bumalik sa drama si Alden.
Kung ang Kapuso actor ang tatanungin, okay daw sa kanyang gawin nila ni Maine ang Descendants of the Sun, pero wala pa naman daw na-finalize sa kanya.
“Hindi ko pa rin po alam. Sana po kami,” pakli ni Alden nang nakatsikahan namin sa pa-thank you party niya sa mga kaibigang movie press. “Pero sa ngayon po, wala pa pong final word sa soap opera,” dagdag niyang pahayag.
Pero ang dinig ko lang, kay Dingdong Dantes talaga itong Descendants.
Ang nakakatuwang tandem ngayon nina Alden at Maine ay ang pagtayo nila ng franchise ng McDonald’s.
Malakas daw ang McDo ni Maine sa Bulacan, at si Alden ay meron na rin daw sa Olivares, pero meron pa siyang isang malapit nang buksan sa may Biñan, Laguna.
Under construction pa ngayon at ang target daw nilang buksan ito ay sa Easter Sunday.
“Hindi po ako makapaniwala…nung ongoing po ang construction, nung nakita ko po yung takip sa may construction site na ‘McDonald’s soon to open dun lang po nag-sink in sa akin na yun na talagang mag-restaurant na kami.
“Pangarap lang po yan ng pamilya namin dati kasi may lagi kaming kinakainan sa may isang supermarket before.
“Akala ko po dati yung McDonald’s walang franchising’ yan. Sabi ko sana one day magka-restaurant kami na McDo,” kuwento ni Alden.
Napapag-usapan na nga raw nila ni Maine ang McDo nila at nakaka-inspire daw ang mga payo sa kanya ng ka-loveteam.
“Na-share na rin sa akin ni Maine yung idea na McDonald’s nga is a very good business, tapos meron pa po akong nakilalang franchisees din na pinupuntahan ko sa iba’t ibang probinsya, they really encouraged me to open a store, kasi wala pong talo.
“Basta ang sinabi lang po niya sa akin, masarap pero mas marami yung hirap along the way, kasi yung sister din po ni Maine yung nagma-manage.
“Ang bunsong kapatid niya ang magma-manage. So, nakita n’ya po yung hardship ng kapatid niya si Nicki, so yun lang po yung in-orient niya sa akin na sabihin ko raw po sa kapatid ko,” saad ni Alden.
- Latest