^

PSN Showbiz

Umamin sa sakit!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Umamin sa sakit!
Angel

SEEN: Bumalik na sa bansa si Nicko Falcis para sagutin ang mga akusasyon ni Kris Aquino laban sa kanya. Si Falcis ang former Managing Director ng Kris Cojuangco Aquino Productions ni Kris na sinampahan nito ng 44 counts ng Qualified Theft sa korte ng Makati City, Manila, Quezon City, San Juan City, Taguig City, Mandaluyong City at Pasig City.

SCENE: Sa counter affidavit ni Nicko Falcis na nakuha ng PEP, ikinuwento ng ex-Managing Director ng KCAP ang bahagi ng pag-uusap nila ni Kris Aquino sa cellphone at ang rebelasyon ng aktres na may lupus ito: “HWAG ka nang bumalik sa Pilipinas, nadinig mo, NO, hwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO, you know what, you know what’s wrong with me??? MAY LUPUS AKO, NICKO!!!” (Shouting)”

SEEN: Negatibong-negatibo ang imahe ngayon ni Tony Labrusca dahil sa pagtataray nito sa immigration officer na naging dahilan para maungkat ang pagkakaroon niya ng attitude problem.

SCENE: Nakuha ni Boom Labrusca ang respeto ng publiko dahil sa maagap na paghingi niya ng paumanhin sa immigration official na pinakitaan ng kagaspangan ng ugali ng kanyang anak.

SEEN: Ang mga negative impression at comments ng publiko laban kay Angel Jones, ang ina ni Tony Labrusca na imbes na humingi ng paumanhin, nagsalita na fake news ang mga kumakalat na balita tungkol sa insidente na kinasangkutan ng love child nila ni Boom Labrusca.

SCENE: Malungkot si Edu Manzano dahil babalik na sa Amerika ang kanyang mga anak na sina Enzo at Addie. Nagbakasyon sa Pilipinas ang magkapatid para ipagdiwang ang pagpasok ng 2019, sa piling ng kanilang ama na nangako na babalik sa Pilipinas para tumulong sa pangangampanya ng ama.

SEEN: “She” ang brand ng lipstick na ilulunsad ni Kris Bernal.

ANGEL JONES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with