Julio Diaz ayaw nang palabasin ng mga kaibigan sa kulungan!

Isang kapatid sa panulat ang dumalaw kay Julio Diaz na pitong buwan na palang nakapiit sa Bulacan Provincial Jail sa Malolos dahil sa kasong drugs na kinasangkutan niya.

 

Ang pagkakaalam ko, bailable itong kaso niya dahil hindi naman malaking halaga ang nakumpiska sa kanya pero wala siyang pang-bail at hindi raw ito tinutulungan ng mga malalapit na kaibigan para matuto na raw siya sa loob.

Ang binibigay lang sa kanya ay pampagamot dahil nahawa na raw doon si Julio sa sakit ng ibang mga nakakulong doon.

Isa sa hinihingan ng tulong ay si Coco Martin, pero pampagamot lang ang binibigay sa kanya, hindi ang pampiyansa dahil mas mabuting doon sa loob na raw siya matuto.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, may diary daw doon si Julio na sinusulat niya ang lahat mula nang ipinasok siya hanggang ngayon.

Karamihan daw sa nakapaloob doon sa kanyang diary ay mga natutunan niya sa mga nabasa niya sa Bible. Naging malapit daw ito sa Diyos at nagpi-preach na nga raw ito sa mga inmate doon.

Parang nagpasalamat na rin si Julio na nakulong siya dahil gusto na rin daw niyang matuto.

Tinulungan na pala siya noon ni Vice Governor Dan Fernando na ma-rehab pero nasangkot pa rin ito sa droga na itinatanggi naman ng aktor.

Ang sabi niya, na-frame up lang daw siya, kaya ongoing pa ang kaso nito habang nakapiit siya.

Martin nagbabaga ang mga ginawa with Kiko at Akihiro

Hindi ko alam kung may temang kabadingan din itong pelikulang My Stepmother’s Lover ni Martin del Rosario dahil sa trailer pa lang, may eksenang akmang maghahalikan sila ni Kiko Estrada.

Pero ang unang ipalalabas ay ang Born Beautiful na kung saan ganda-gandahan siya roon na tila pinag-aagawan pa nina Kiko Matos at Akihiro Blanco.

Sa trailer pa lang ay bongga na ang halikan nila ni Kiko at meron din daw silang halikan ni Akihiro.

Maselan ang tema ng pelikula, kaya binigyan ito ng R 18 ng MTRCB, pero meron pala silang uncensored version na ipalalabas sa Cine Adarna ng UP Film Institute sa January 18.

Sabi ni direk Perci Intalan, may mga eksena na na-delete at mga dialogue na na-bleep nang dumaan ito sa MTRCB, kaya ipalalabas nila ang bersyong ito sa UP.

Umabot kaya sa P1 billion? MMFF naka-P800 M na

May ilang fans ni Dingdong Dantes ang nagti-text sa radio program namin na hindi raw sila natutuwa sa exposure ng GMA Primetime King sa pelikulang Fantastica.

Hinahanap daw nila ang mga magagan­dang pelikula dati ni Dingdong na isinali sa MMFF na kung saan magkasunod pa siyang nagwaging Best Actor.

Sinasabi na lang namin na wala nang kailangang patunayan pa si Dingdong. Ibang experience sa kanya na mapasama sa isang Vice Ganda movie at maganda naman ang kinalabasan sa takilya,

Totoo bang halos 400M na raw ang kinita ng Fantastica?

Nabuo rin sa pelikulang ito ang magandang friendship nila ni Vice at pati kay Ryan Bang na madalas niyang nakakasama sa mga eksena.

Kaya nga ipinost ni Dingdong ang magaganda niyang papuri sa nabanggit na Kapamilya actors.

Maging sa co-star niya sa Cain at Abel na si Dennis Trillo ay maganda rin ang friendship na nabuo nila sa naturang drama series.

Kaya masaya ang aktor sa pagkapanalo ni Dennis bilang Best Actor sa nakaraang MMFF.

Samantala, napag-alamang mahigit 800M na raw ang kinita ng MMFF 2018. Although, wala pa kaming nakuhang official boxoffice results mula sa Execom ng MMFF.

Positibo silang mahi-hit nila ang 1 billion target dahil inaasahang lalakas pa ito sa darating na weekend.

Show comments