Kelan ba dapat tanggalin ang hat or baseball caps?
Dapat ba talaga kahit nasa loob ka ng hotel, naka-sumbrero? Kahit kumakain pa sa fine dining restaurant?
Ito kasi ang napansin ng isang group of friends namin na nag-New Year sa isang five star sa Makati.
Nakita nila habang nagdi-dinner ang grupo nila Toni and husband Direk Paul Soriano and Alex Gonzaga with boyfriend Mikee Morada kasama ang kanilang pamilya na nakasuot ng cap sina Direk Paul and Mikee.
As in the whole time daw na kumakain sila kaharap ang buong pamilya, naka-sumbrero ang mga partner ng magkapatid na ang pakiramdam ng mga ibang diner ay afraid sila na makilala at pagkaguluhan. As if nga naman makikilala sila sa loob ng nasabing restaurant sa loob ng isang five star hotel sa Makati na siyempre ay hindi naman mga fans ang kasabay nilang kumakain.
Dapat ba silang i-remind ng hat/cap etiquette?
Heto ayon sa isang article na Advice - Hats Off! Hat Etiquette for Everyone ng emilypost.com :
Hats can be left on…
Outdoors
At athletic events (indoors or out)
On public transportation
In public buildings such as post offices, airports, and hotel or office lobbies
On elevators
Take hats off, including baseball caps …
In someone’s home
At mealtimes, at the table
While being introduced, indoors or out (unless it’s frigid!)
In a house of worship, unless a hat or head covering is required
Indoors at work, especially in an office (unless required for the job)
In public buildings such as a school, library, courthouse, or town hall
In restaurants and coffee shops
At a movie or any indoor performance
When the national anthem is played.
Of course depende naman ‘yan sa character nila. Pero siyempre dahil sikat sila, mapupuna talaga. At iisipin na baka nga pakiramdam nila lalapitan sila sa isang lugar na mga madadatung at kilala lang naman ang karaniwang kumakain.
Pero cute na cute naman ang mga kasabay nilang diners sa anak nina Toni and Direk Paul na patakbu-takbo sa restaurant na hinahabul-habol ng kanyang lolo na tatay ni Direk Paul na si Jeric Soriano.