John Lloyd at Ellen hindi natatahimik kahit wala sa limelight
Maingay din ang 2018 kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna kahit na nga ayaw na nila sa showbiz.
Walang inaamin ang mag-partner pero may ilang ebidensiyang nagpapakita na meron na silang anak.
Pero bago umano’y nanganak si Ellen nasangkot ito sa issue matapos niyang akusahan ng pagiging paparazzi ang minor na ini-upload niya sa social media nang nakasabay nilang kumain sa isang ramen house.
Kinasuhan siya ng child abuse and cyber crime matapos na hindi magbigay ng public apology ang former sexy actress na dini-demand sana ng mga magulang ng bagets.
Hindi pa siya nagpapakita sa korte.
Namatay din ang tatay ni Ellen.
Si John Lloyd naman ay nagpapaka-normal ang buhay pero ginawan ng issue ang pagiging absent niya sa Christmas pictorial ng pamilya ni Ellen.
Hindi na uso ang manghuhula sa showbiz kaya walang maka-predict kung babalik pa sila ng showbiz. Noon kasi, kahit hindi credible ang hula, may excitement.
- Latest