Dating mga nanonood ng sine mas pinipiling mag-swimming

Mas mura

Naranasan ko noong Sabado nang gabi ang ginaw na malamig sa katawan pero dahil birthday ni MJ, talagang nagpunta sila sa Amana Water Park sa Pandi, Bulacan na pag-aari ni Mayor Enrico Roque, isa sa mga pinakamabait na tao na nakilala ko.

Every year doon, nagse-celebrate ng birthday si MJ pero ngayon lang may ulan at ang ginaw ng hangin. Akala ko sila lang ang mga guest sa Amana pero sabi ni MJ ang dami raw naliligo dahil nga siguro mas mura pa ang mag-swimming kesa manood ng sine kaya kahit maginaw ang panahon sa water park na lang nagpunta ang mga tao.

Malaking tulong ang Amana Park kapag birthday ni MJ dahil ‘yon ang nagbibigay ligaya sa kanya. Apat na taon na laging nagdiriwang siya ng birthday niya kaya kung taga-Bulacan sina MJ, si Papa Enrico  ang madalas na iboboto niya na mayor ng Pandi.

Don’t forget, kung gusto n’yo na magpakasaya ngayong holiday, malapit lang ang Amana Water Park sa Pandi, Bulacan,

‘Maraming kagagahan at ipagpasalamat sa 2018’

Kung babalikan natin Salve ang year 2018, maraming bagay ang dapat natin na ipagpasalamat. Ang 2018 yata ang pinakamarami natin na travels, marami tayong na-form na friendship dahil sa pagiging addict ko sa mga Koreanovela.

Nabuo ang K-Pop gang natin nina Rose Garcia at Vinia Vivar. Ang daming masasayang araw na ginugol natin sa kuwentuhan tungkol sa mga idol natin.

Kahit hindi man lang natin nakita ang nagbigay sa atin ng horror experience sa Korea na si Imee Oro, at least we learned a lesson from her na dapat matinong travel agent lang ang makausap natin gaya nina Anton at Dixie.

May mga kagagahan along the way, but all in all despite the tears, mas maganda ang resulta dahil mas naging matibay at matatag ang circle of friends mo, mas alam mo na dapat  ang ingatan at mahalin.

The year 2018 was an eye opener, dahil doon ko nakita ang fragile state ng aking health, doon ko na-appreciate ang feeling ng isang fan, at doon ko rin lubos na napag-aralan how the movies or TV can turn on your emotions and imaginations.

Imagine 70 na ako nang ganap kong maunawaan ang mundong ginagalawan ko. Kahit pala matagal ka na, puwedeng  hindi mo binibigyan ng pansin ang paligid mo.

The moment na stable ka at attentive saka mo lang ganap na ma-appreciate the things around you.

Nagiging observant ka, mas napi-feel mo kung ano talaga ang purpose ng nasa paligid mo, doon mas clear ang mga mata mo, ang utak mo.

Gladys nag-aaral mag-tricycle

Si Gladys Reyes uli ang main contravida sa TODA One Love, ang coming soon primetime tele­serye ng GMA 7.

Gaya sa Inday Will Always Love You, si Gladys ang kontrabida sa relasyon ng mga karakter nina Ruru Madrid at Kylie Padilla, ang lead stars ng TODA One I Love.

Tricycle driver ang role ni Kylie sa TODA kaya nag-aral siya ng pagpapatakbo ng motorsiklo. I’m sure, susuportahan ng lahat ng mga tricycle driver sa Pilipinas ang bagong teleserye ng GMA 7 na tribute sa kanilang mga hanap-buhay.

Show comments