Sharon controversial at shocking ang ginawa sa pelikula nila ni John Arcilla!
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama sa isang pelikula sina Sharon Cuneta at John Arcilla. Gaganap bilang mag-asawa ang dalawa sa proyektong ginagawa ni Erik Matti. Nakapagsimula na ang shooting ng bagong horror-thriller film kaya maraming mga eksena na ang nagawa nina John at Sharon. “Sobrang high na sobrang click. I cannot imagine na gano’n kami magiging click. I mean hindi ko alam pero magkasundong-magkasundo talaga kami. Nagkakaintindihan kami ‘pag nagkukuwentuhan kami. Ang bilis naming magpakiramdaman,” nakangiting kuwento ni John.
Ayon sa batikang aktor ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bagong pelikula dahil sa kakaibang atake nito. “Ang daming ipapakita ng pelikula. Drama, horror and a little of comic and thriller, too. Sobrang saya naming dalawa sa ginagawa namin. Ang saya-saya ko sa role. Ang ganda ng istorya. I really feel so blessed. May gagawin si Sharon dito na hindi niya pa nagawa sa buong career niya. Very controversial. Sana ma-highlight ‘yon ‘pag nasa promo na. Kasi talagang somehow very shocking, medyo maraming masa-shock pero hindi magagalit sa kanya,” pagbabahagi ni John.
Nakatakdang mag-resume ang shooting ng pelikula pagkatapos ng holiday break sa susunod na linggo.
Jason wish na wish maka-duet si Regine
Noong isang taon pa huling nakapaglabas ng single si Jason Dy. Patapos na ang 2018 pero hindi man lamang nakagawa ng bagong single ang singer.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na raw ni Jason ang isang bagong album para sa pagpasok ng bagong taon. “You’ll be hearing new music from me next year. I’m still working on some music. ‘Yung susunod kong album mas personal na. Kasi mas marami na ang nagawa ko. Ako na ‘yung nagsulat ng mga kanta. I’m looking forward with new composers, new artists, mga collaborations. Kailangan nila abangan ‘yon,” pagdedetalye ni Jason.
Sa bagong proyekto ay magkakaroon sina Jason at Jay-R ng kolaborasyon. “Si Kuya Jay-R, we’re actually working on some new stuff ngayon. Excited na akong marinig ng mga tao ‘yung collab namin,” dagdag ni Jason.
Samantala, nangangarap din ang binata na magkaroon sila ng proyekto ni Regine Velasquez balang araw. “Just to share the stage with her sa ASAP sobrang wish come true na sa akin ‘yon. And kung maka-collab ko man siya sa isang kanta, sobrang matutuwa ako,” pagtatapos ni Jason.
- Latest