Dennis 14 years ago ang huling trophy
Si Dennis naman na hindi personal na natanggap ang best actor trophy ay nagpahayag ng pasasalamat kay Mother Lily Monteverde sa chance na ipakita uli ang husay niya sa aktingan.
Pinasalamatan din niya sa kanyang social media account si Direk Erik Quizon for the guidance. “Labing apat na taon mula noong ako’y unang nakatanggap ng ganitong parangal, para sa pelikulang Aishite Imasu 1941 directed by Joel Lamangan, na siya ring pinaka una kong pelikulang nagawa sa buong buhay ko. Salamat po Mother Lily sa pagtitiwala noon pa man, hinding hindi ko po yun makakalimutan.
“Taos puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu, JC de Vera, Marlo Mortel, at Miles Ocampo lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo.
“Malaking bagay din ang tulong at paggabay ng aming director na si Direk Eric Quizon. Salamat sa pagbigay ng kumpiyansa sa akin upang magampanan ko ng maayos ang role ni Ian.
“Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Salamat sa inyong pag aalaga at pagmamahal sakin lalu na kay @mercadojenny
“Sana po ay mapanood niyo ang #onegreatlove Merry Christmas and Happy New Year po sa inyong lahat.”
Anyway, after One Great Love, naka-line up ang mga pelikula ng Regal Films for 2019.
Kasama sa ipalalabas nilang pelikula ang tambalan nina Enchong Dee and Janine Gutierrez; Winwyn Marquez and Enzo Pineda; Jessy Mendiola and Arjo Atayde and Teddy Corpus, Myrtle Sarrosa with Donna Carriaga. Meron din silang movie nina Jerome Ponce, Jane Oineza, Albie Casino, and Tony Labrusca at isang Dennis Trillo movie.
So sure na magiging active ang Regal Films pagpasok ng bagong taon.
- Latest