^

PSN Showbiz

Rainbow’s Sunset nalagasan ng sinehan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rainbow’s Sunset nalagasan ng sinehan!
Tony at Eddie

Nakakalungkot naman ang pagkawala ng ilang sinehan ng pelikulang Rainbow’s Sunset.

Nag-post sa Facebook account ang isa sa mga involved sa pelikulang ito na si Ferdy Lapuz, na nalulungkot siya dahil ang mahigit na 50 theaters na naibigay sa pelikulang ito ay nabawasan na.

Ayon sa kanya, nadale nga ng dagdag/bawas ang Rainbow’s Sunset. Unfortunately, doon sa ‘bawas’ napunta ang naturang pelikula dahil 31 theaters na lang daw ito ngayon.

Sabi pa ni Ferdy sa kanyang FB post; “Yesterday, it was being shown in 8 provinces and now it is down to 6.”

Dagdag niyang post; “The film is getting good buzz from our audience and a Grade A from the Cinema Evaluation Board. To the theater owners, please, please give our movie a chance…”

Inaasahang hahakot ng awards ang Rainbow’s Sunset kaya puwedeng bubuwelta siya at madagdagan pa sana ng sinehan.

Hindi na kasi matitinag sa labanan ng topgrosser ang Fantastica at ang Jack Em Popoy, kaya ang number 3 na lang ang pagtatalunan ng anim pang pelikula.

Sa takbo ng mga pangyayari, maganda ang word of mouth sa Mary, Marry Me, kaya ito ang nakikipaglaban sa Aurora na nasa pangatlong puwesto.

Sumusunod ang Otlum, The Girl in the Orange Dress at One Great Love.

Samantala, nakarating din sa amin ang ipinost ni Lloyd Samartino sa kanyang Facebook account na tila may patutsada sa Rainbow’s Sunset.

Sinabi niyang; “This movie about homo, I think will flop.”

Nagtaka naman kami na nag-PM ng ganun si Lloyd sa mga FB friends niya dahil ang buong akala namin magkaibigan sila ni Shido Roxas na kasama sa Rainbow’s Sunset.

Fantastica naka-p129-m na, pulis… P105-M

Hindi pa official ang nakuha naming box-office results, pero may nakuha ka­ming impormasyong naka-P129-M ang kinita ng Fantastica sa unang araw ng showing. Sumunod ang Jack Em Popoy na P105-M at ang layo na nang pumangatlo na Aurora na naka-P22-M.

Ang iba ay halos hindi magkakalayo  ang agwat.

Ang isa sa pinag-uusapan nga­yon, makakaya kayang habulin ng Jack Em Popoy ang Fantastica?

As of yesterday, nakuha rin na­ming impormasyong mahigit 300 cinemas na meron ang Fantastica. Mas lamang sila sa sinehan sa Jack Em Popoy. Kaya paano sila makakahabol kung sa number of theaters ay lamang na lamang na ang pelikula ni Vice Ganda?

Kayang kumuha ng mga sinehan itong Fantastica dahil ganun ka-powerful ang Star Cinema.

Kaya ang apektado talaga rito, ang ibang pelikula na hilahod sa takilya. Mawawalan na talaga sila ng mga sinehan.

Kaya dito ko hinahamon ang mga masisipag na Mainenatics at AlDUb nation na dapat itodo na nila ang suporta sa Jack Em Popoy para umabante pa nang husto ang naturang pelikula.

Kung makakakuha ng major awards ang Jack Em Popoy, posibleng aangat pa ito at malay natin dodoble pa ang kikitain sa takilya.

Abangan natin yan dahil meron pang  mahigit isang linggo ang MMFF.

Maine, sa mga karanasan humuhugot sa pagsusulat ng kanta

Nilinaw ni Maine Mendoza na hindi pala lahat ay original compositions niya ang nakapaloob sa album na gagawin niya sa Universal Records.

Ito raw ang isa sa aabangan sa kanya sa 2019 dahil matagal na raw talagang nakaplano itong album niya.

May dalawa nang na-record si Maine na pawang composition niya. Iyun lang naman daw talaga ang request niya na ang first single at ang cover song nito ay composition niya.

“Sinusubukan ko na marami akong masulat. Pero definitely hindi naman po lahat puro compositions ko. Pero gusto ko sana ang first two singles ko, ako sana ang nagsulat,” pakli ni Maine.

Saan ba humuhugot si Maine sa mga ginagawa niyang kanta?

“Sa experiences in life, sa imaginations.

“Sa lovelife, puwede rin,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Pagdating sa project na pagsasamahan nila ni Alden Richards, wala pang konkretong sagot si Maine dito.

“Tingnan po natin, hindi naman po imposible. Sa tamang panahon,” safe niyang sagot sa amin.

FANTASTICA

RAINBOW’S SUNSET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with