John Lloyd absent sa pasko ng pamilya ni Ellen
Uy absent si John Lloyd Cruz sa Christmas pictorial ng pamilya ni Ellen Adarna na kumalat sa social media pagkatapos ng Pasko.
Naalala kasi ng marami na noong Christmas 2017 ay kasama sa family ng sexy actress na sinasabing ama umano ng kanyang baby. Baka naman si John Lloyd ang photographer? Hihihi.
Si Sharon Cuneta naman ay nagpasalamat sa Diyos sa pagbalik ng boyfriend ni KC Concepcion na Frenchman na si Pierre na sa bansa nag-Pasko. “Thank you for Pierre this year Lord. We love you in Jesus name we pray. Amen,”
Ang kambal na anak naman ni Sen.Chiz Escudero at kanyang pamilya ang kasama nila ni Heart Evangelista na nag-Pasko. “Hoping you all had a wonderful Christmas celebration,” sabi ni Heart.
Si Robin Padilla naman ay naka-bonding na finally ang ama ng misis na si Mariel Rodriguez after eight years. “Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa Nag iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong kapaskuhan God is great !!! Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa application sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag MANO na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsanggayon sa aking mga Hangarin sa kanyang mahal na Anak GOD is great.
“Napakarami nating pangarap sa buhay ngunit minsan ay hindi yun napagkakaloob sa atin kahit ginawa na natin ang lahat upang makamtan ito hindi dahil ipinagkakait ito sa atin ng DIOS/ALLAH/ELOH/JEHOVAH/YAHWEH kundi batid niya na may mga bagay na hinihingi tayo sa kanya na hindi makabubuti sa atin kaya ipinagpapaliban niya ang pagpapala nito kadalasan ay papalitan niya ito ng iba na may mas higit na kaligayahan at kasiyahan na makakabuti sa atin God willing Maraming maraming salamat sa lahat ng tao na gumawa ng paraan upang maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng aking Father In Law sa lupang sinilangan. “ “Isa pong karangalan ang makamayan kayo sir Abelardo Termulo idol ko po kayo sa inyong pakikipagsapalaran sa Dayuhang Bansa ng Estados Unidos ang inyong sipag at tiyaga lalo sa pagiging isang Ama at isang Anak ay inspirasyon sa mga kalalakihan ng las islas Pilipinas Mabuhay po kayo DAD! Salamat po sa pagpaparamdam sa amin lahat ng tunay na mensahe ng Pasko. Mula sa inyong anak na muslim Maligayang Pasko ko po sa inyo at sa buong Pamilya ng Termulo. Glory be to God/SubhanaAllah,” sabi naman ni Robin sa pictorial ng pagkikita nila ng father in law niya na halos kasing-edad lang niya.
Sina Carlo Aquino and Angelica Panganiban naman ang magkasama nung Pasko. “Masaya ang lahat. Merry Christmas,” ang caption ni Angelica kasama ang parents ng actor.
- Latest