^

PSN Showbiz

‘Di kayang sustentuhan, aktor pinapaasa lang ang anak sa aktres!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag pala tinatanong ng kanyang mga kaibigan at katrabaho ang isang magandang female personality kung hindi ba naman nakakalimot na magbigay ng sustento sa kanyang anak ang amang aktor nito ay napapangiwi na lang siya.

Parang pagod na siyang magsalita, parang nasasayang lang ang laway niya kapag nagpaliwanag at nagkuwento pa siya, kaya facial reaction na lang ang kanyang isinasagot.

Kuwento ng aming source, “Mula’t mula naman kasi, e, kilalang-kilala na niya ang kartada ng ex niya, kaya hindi na bago ‘yun sa kanya. ‘Yun nga ang isa sa mga reasons ng paghihiwalay nila, di ba, bukod sa pambababae ng ama ng anak niya?

“Napagod na siguro siya sa kapapakiusap. Oo lang nang oo ‘yung lalaki, pero wala namang ipinadadala. Kahit nga sa time na lang para sa bagets, e, hindi naibibigay nu’ng guy!

“Sasagot siyang dadalawin niya ang anak niya, wait naman nang forever ang bata, pero pagabi na, wala pa rin ang father niya! Madalas na ganu’n ang kuwento, kaya sabi ng girl, e, para namang namamalimos ng oras ang anak nila sa ex niya!

“Iresponsable ‘yun! Parang wala siyang alam sa parenting, kayang-kaya niyang biguin ang anak niya sa mga pangakong binibitiwan niya na palagi lang namang napapako!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

May kani-kanyang buhay na sila nu’n pa. Nakailang relasyon na silang pareho. Pero tama naman ang female personality sa kanyang saloobin na sana’y hindi pinababayaan ng aktor ang mga responsibilidad nito sa kanyang anak.

“Naku, waley! Talagang hanggang sa pagporma lang naman ‘yung lalaki, oo lang nang oo, pero hindi naman siya tumutupad. Magkamukhang-magkamukha pa naman sila ng anak niya, spitting image talaga!

“Buti pa ‘yung isang ex ng girl, may anak din sila, pero buung-buo ang pakiramdam ng bagets dahil madalas silang magkita ng father niya.

“Kaya tama lang na mapangiwi ang female personality kapag may nagtatanong sa kanya kung naaalala ba naman ng tatay niya ang anak nila? Ngiwi nga lang ang tamang sagot sa tanong, sayang na sayang lang ang laway niya kung magpapaliwanag pa siya.

“E, ngayon nga, may ka-live in na ang male personality, pero nambababae pa rin siya, di ba? Kapapanganak lang ng karelasyon niya, may bago na naman! E, tunay ngang aray ko ‘yun!” pagtatapos ng nakairap naming source.

Ubos!

Kapamilya Stars kabado sa kanilang kinabukasan?!

Mukhang magkakasunud-sunod ang paglipat ng mga artista ng ABS-CBN sa GMA-7. Nakaamba na ang pagpirma ng kontrata ni Derek Ramsay sa Kapuso network at meron pang ibang susunod.

May kuwentong kumakalat na may mga personalidad sa Kapamilya network na nag-aalala na sa kanilang kinabukasan. Nakarating na sa kanila ang napipintong hindi pagbibigay ng lisensiya ng prangkisa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa istasyon dahil ‘yun ang madalas sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paano na raw kaya sila kapag hindi nga ni-renew ang kontrata ng prangkisa ng network, saan na sila magseserbisyo, paano na ang kanilang career? Natural lang ang ganu’ng pangamba, lalo na ng mga personalidad na tanging pag-aartista lang ang hawak na pinggan para sila mabuhay.

Kung totoo ngang ganu’n ang mangyayari ay saang lupalop sila dadamputin? Paano sila mabubuhay kung punumpuno man sila ng talent ay mawawala naman pala ang network na pinaglilingkuran nila?

Pero kung para sa iba ay gutom ang nakaabang sa kanila ay hayahay lang naman ang pakiramdam ng mga artistang marunong magnegosyo. Mawala man sa kanila ang pagkakataong umarte ay meron silang masasandalang pagkakakitaan na matagal na nilang pinaghandaan.

Saka may kalayuan pa naman ang takdang panahon ng pagre-renew ng prangkisa ng network. Nagbabago ang takbo ng panahon kung paanong lumalambot din ang matigas na disposisyon ng tao.

Sa ngayon ay panay-panay ang pagsasabi ng pangulo na hindi ito papayag na ma-renew ang kontrata ng Dos, pero siguradong may mamamagitan para hindi ‘yun matuloy, idagdag pa na maraming sinasabi ang pangulo na ito rin naman ang bumabali pagkatapos lang nang ilang panahon.

Mahabang salsaysayin pa ‘yun.

KAPAMILYA STARS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with