Pinay sa Miss Tourism pang-5th lang

Aya

SEEN: Ang clarification na posibleng magtagal hanggang 2020 ang airing ng Ang Probinsyano ni Coco Martin kaya ang Ngayon at Kaila­nman ang prog­rama na papalitan ng The General’s Daughter sa January 2019. 

SCENE: Kahapon ang unang araw ng shooting ni Rocco Na­ci­no para sa Write About Love, ang bagong mo­vie project ng TBA Studios na tinatampukan din nina Joem Bascon, Miles Ocampo at Yeng Cons­tantino.

SEEN: Ang Write About Love ang unang full-length mo­vie ni Crisanto Aquino bilang direktor. Co-director si Crisanto ng My Rebound Girl ng Regal Entertainment Inc. at assistant director siya ng mga teleserye ng ABS-CBN.

SCENE: Ang Dream Girl of the Year ang special award na napanalunan ni Aya Fernandez sa 21st Miss Tourism International na ginanap noong Biyernes sa Sunway Resort Hotel & Spa sa Selangor Malaysia. Si Joanne Quintas ang most popular Filipina winner ng Miss Tourism International crown noong 1997. 

SEEN: Hindi puwedeng mawala si Alden Richards sa New Year Countdown 2019 ng GMA 7 dahil naging panata niya ito mula nang pumasok siya sa showbiz. Kinabukasan, January 2, ang 27th birthday ni Alden na ipagdiriwang niya sa Eat Bulaga.

SCENE: Ipinapakita na ng GMA 7 ang teaser ng Sahaya, ang television series na tatampukan ni Bianca Umali. Sina Miguel Tanfelix at Migo Adecer ang leading men ni Bianca sa Sahaya na mapapanood sa Feb­ruary 2019.

SEEN: Kara Mia na ang bagong pamagat ng Ang Dalawang Mukha ni Guadalupe, ang drama series ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Barbie Forteza at ipapalabas din sa February 2019.

Show comments