Trailer sa TV mas effective sa mga bata

Ilang tulog na lang at Pasko na, simula na ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Ipalalabas na ang walong pelikulang kasali.
So far, dalawa ang nakakuha ng Grade A sa Cinema Evaluation Board (CEB), ang Rainbow Sunset and Puliscredibles.
Graded B naman ang Aurora, Fantastica, The Girl in the Orange Dress, One Great Love and Mary Marry Me.
Marami nang excited manood ng mga pelikulang kasali at in all fairness, alam na nila ang panonoorin simula sa Pasko.
Like itong daughter ko na 10-year old, dalawang pelikula lang daw ang gusto niyang panoorin.
At magugulat ka kung ano ‘yun dalawang ‘yun.
Effective ang mga nagkalat na trailer ng eight official entries na laging napapalabas sa TV na malimit mapanood ng mga bata.
Hindi masyado ang sa social media dahil usually ay games lang ang inaatupag ng mga bata ‘pag nasa internet or nasa computer or tablet.
- Latest