^

PSN Showbiz

‘Print Is Not Dead’ - Heart

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
‘Print Is Not Dead’ - Heart
Heart

Buti pa si Heart Evangelista nagbabasa pa ng hard copy ng libro. Kahit active sa social media na milyun-milyon ang followers, naniniwala siyang hindi pa patay ang ‘print.’ “Print is not dead!,” say ni Heart Evangelista habang hawak ang libro sa kanyang IG post.

“The digital age may be alive and kicking, but I still choose to read through books for inspiration!,” dagdag na caption niya.

Na inayunan ng kanyang followers. Agree sila na iba ang naibibigay na inspiration ng pagbabasa ng totoong libro at hindi ‘yung sa cell phones or tablet lang.

“Thank you @sweet.escape, for always capturing my sweetest moments! If you get their 1 hour session package and use the promo code ESCAPEIN1HOUR, you get to keep all the amazing photos for free! You won’t regret it They say that home is not just a place—it’s a feeling. Over the years, this network has grown to become a home to me. Thank you for always believing in me, taking care of me, and continuing to help me grow. I am looking forward to many more years with you.,” dagdag naman niya sa caption sa nasabing picture na kahit ‘yun ay tinatanong kung anong OOTD (outfit of the day) niya habang nagbabasa ng libro. Maalala kasing super trending ang grocery outfit niya na bibili lang naman ng corned beef. Ang dami nung meme kaya lahat ng outfit niya ngayon, inaabangan na.

Anyway, true naman talaga na iba ang epekto ng print kahit sa media. May kakaibang appeal ang pagbabasa nito at ‘yung smell sa bawat paglilipat mo ng pahina, kakaiba ang excitement.

Dito kasi sa atin, parang dini-dedma na ang libro. Kahit sa ibang eskuwelahan,  mga iPad na ang gamit ng estudyante nila.

At ang mga library pabawas nang pabawas. Ang mga bookstore, hindi na rin  lang mga libro ang tinda.

Anyway, nagpasalamat si Heart sa GMA 7 matapos nga siyang pumirma ng kontrata sa talent arm ng network - Artist Center.

“They say that home is not just a place—it’s a feeling. Over the years, this network has grown to become a home to me. Thank you for always believing in me, taking care of me, and continuing to help me grow. I am looking forward to many more years with you,” sabi niya pa sa kanyang IG post.

Tinawag pa siyang Queen of Creative Collaborations ng GMA Artist Center na kasali na ngayon sa kanilang roster of talents as she signed an exclusive management contract last December 13.

Huli siyang napanood sa first-ever Filipino-Korean romantic comedy series My Korean Jagiya together with Kapuso oppa Alexander Lee.

Excited na rin siya sa pagbabalik ng artista search na Starstruck kung saan siya uupo bilang isa sa mga judge.

After nga pala ng contract singing, nagkaroon ng on the spot painting session si Heart. 

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with