^

PSN Showbiz

PBB puro lalaki ang pinatatalsik

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang puro mga lalaki ang nai-evict sa Pinoy Big Brother Otso na dalawang ulit napapanood araw-araw sa ABS-CBN, tuwing sa hapon at sa gabi.

Mukha namang pabor din ang mga mano­nood na mga babae ang naisasalba sa tatlong ulit na eviction night na naga­nap sa reality program. Sa mga boto naman ng manonood nakasalalay ang kapalaran ng mga teen housemates. At hindi tulad ng mga naka­raang season ng show, may mga nakahanda na para agad pumalit sa mga natatanggal na nagmumula sa mga nakapasa naman sa Star Hunt audition na isinagawa ng Kapamilya network nationwide.

Nakakalungkot lamang na ang tatlong ­unang natanggal bagaman at naging negatibo ang dating nila sa mga kapwa nila housemate at maging sa mga manonood ay nakikitaan ng malaking pagbabago sa personalidad sa labas ng PBB house. Kaya marami ang nanghihinayang na maaga silang nawala. 

Pelikula ni Daniel walang nanood!

May movie nga si Daniel Matsunaga pero, totoo kaya na kakaunti lamang ang mga nanonood nito dahil parang ipinaglihim at bigla na lamang ito ipinalabas nang walang gaanong promo? Kaya naman marami ang nagsasabi na makapagbibisikleta sa loob ng mga sinehan na pinaglalabasan ng movie dahil nga hindi aware ang manonood na may ganun palang pelikula. Sayang, dahil may maganda raw kuwento ang movie at nagtatampok pa bukod kay Daniel sa dalawang artistang babae na sikat at magaga­ling umarte. Baka naman bumawi ang pelikula ngayong napag-uusapan na ito. 

Anne may pangako pag nabuntis

Matagal nawala si Anne Curtis sa programa niyang It’s Showtime pero, parang sandali lamang ito dahil nag-effort ang mga co-host niya na hindi gaanong mapansin ang absence niya sa show. Kasama ang asa­wang si Erwan Heussaff, pumunta sila ng Africa para sa isang much delayed honeymoon. Pagbabalik ni­la, hoping ang fans ni Anne na mayroon nang baby na nabuo sa kanilang maiiba pero, napakasa­yang bakasyon.

Pangako ng aktres na ipababatid niya sa lahat ang kahit kaliit-liitang indikasyon na buntis siya. Humahabol siya sa promosyon ng horror film niyang Aurora na kasali sa MMFF 2018.

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER OTSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with