Dumalo sina Charo Santos at Bea Alonzo, ang mga lead star ng pelikulang Eerie ng ABS-CBN Films at Singapore-based production company na Cre8 Productions sa premiere nito sa pagbubukas ng Singapore International Film Festival (SGIFF) noong Lunes (Disyembre 3) sa Capitol Theater.
Bukod kina Charo at Bea, naroon din upang saksihan ang premiere ang direktor ng pelikula na si Mikhail Red, ang co-star nilang si Jake Cuenca, at producers nito na sina Malou Santos, Micah Tadena, at Chan Gin Kai ng Cre8.
Ang SGIFF ay isa sa marami pang film festivals kung saan kasali ang nasabing pelikula, sabi ni Red.
Samantala, may lima pang aabangang pelikula mula sa ABS-CBN Films at Cre8 matapos nilang pumirma ng memorandum of understanding kamakailan.