^

PSN Showbiz

Jose Mari Chan may concert para sa simbahan ng Padre Pio

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jose Mari Chan may concert para sa simbahan ng Padre Pio
Jose Mari

Isang espesyal na concert ang inihanda ng music icon na si Jose Mari Chan para sa bagong St. Padre Pio Church. Pinamagatang Jose Mari Chan: Going Home To Christmas, ito ay gaga­napin sa December 15, Sa­turday, 7:30 PM sa St. Padre Pio Church located in Garnet Street, Se­verina Subdivision, Km. 18 West Service Road in Paranaque City.

Kilala sa kanyang mga classics tulad ng Constant Change, Tell Me Your Name, Beautiful Girl, Please Be Careful With My Heart at ang sikat na sikat na  Christmas In Our Hearts, nag-pramis ang veteran singer na mag eenjoy ang mga manonood dahil aawitin niya ang mga nabanggit na kanta pati na ang ilan mula sa kanyang recently released Christmas album.

Ang nasabing concert ni Jose Mari ay isang fundraising event para sa St. Padre Pio Church upang siguraduhin ang iba pang kakailanganin pondo upang makumpleto ang pagpapatayo nito. Ang naturang church ay maaaring magkasya ang humigit kumulang na 600 katao at makikinabang ang 23,000 parishioners. Layunin din nito na ideklara bilang Diocesian Shrine balang araw. Si Rev. Father Marcelo Arturo Morota ang parish priest dito.

Para sa mga nais manood ng fund raising concert na ito, puedeng tawagan si Nenita Ayon (Fundraising Head) sa mobile number 0917-8349300. Para naman sa mga nais mag donate, puwedeng mag deposit sa Bank of the Philippine Islands with account name RCBP – St. Pius of Pietrelcina Padre Pio Parish (Construction), Philippine Peso checking account no. 8241-0056-16, US Dollar savings account no. 8244-0158-41, swift code BOPIPHMM.

JOSE MARI CHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with