Nanay ni Vice tanggap si calvin!

Aminado si Vice Ganda na masaya siya sa tuwing nakakasama ang basketbolistang si Calvin Abueva.
Suportado rin ng ina ng komedyante na si Rosario Viceral ang pagiging magkaibigan ng dalawa. “That will be nice, oo, maganda, masaya. Hindi sila nag-o-open sa akin. Ako naman, nasa edad na sila. Parang wala na akong karapatan na mag-usisa pa. So whatever comes, I welcome them, I accept them. Kung saan sila masaya, masaya na rin ako,” makahulugang pahayag ni Mommy Rosario.
Naipakilala na rin umano ng Phemonenal Box Office Star ang basketbolista sa ina nang magbakasyon sila sa Boracay kamakailan. “Kasi magla-lunch kami, tapos noong nandoon na ako, sabi niya, ‘Nay may bisita ako ha’. ‘Okay lang anak,’ sabi ko. Tapos dumating sila, pinakilala niya ako. That’s it, I met them,” nakangiting kuwento ng ina ni Vice.
Noong una ay hindi alam ni Mommy Rosario na nauugnay na pala ang anak kay Calvin. “Sa Showtime nitong lately pagbalik ko, ‘yun bang biru-biruan napapansin ko. So tinanong ko sa apo kong babae, ‘Anak ano ‘yon?’ Sabi kong gano’n, ‘Eto, ipapakita ko sa inyo,” pagbabahagi pa ni Mommy Rosario.
Samantala, nagpaliwanag na si Vice kamakailan na hindi naman sinasadya ang pagkikita nila ni Calvin sa Boracay.
Kyla hindi makalimutan ang pinagdaanang hirap ng pamilya
Matindi ang pinagdaanang pagsubok noon ni Kyla bilang nagsisimula pa lamang sa industriya. Sampung taong gulang pa lamang nang magsimulang sumali sa mga singing contest bago pa napabilang sa That’s Entertainment ang singer noong labingdalawang taon gulang pa lamang.
Ayon kay Kyla ay ang kanyang ama ang numero unong tagahanga niya noon.
“Doon ko na-experience ‘yung heartache ng parent. Every time nare-reject ako, sasabihin ng dad, ‘Bago ka masaktan, ako muna ang masasaktan. Kasi ako ‘yung lumalapit. So ‘yung face ko kinakapalan ko talaga ‘yung mukha ko para sa ‘yo,” pagbabahagi ni Kyla.
Ayon pa sa R&B singer ay naranasan din niyang magsinungaling tungkol sa tunay na edad upang makakanta lamang sa lounge para kumita dahil sa masamang lagay ng inuupahang bahay. “Luluhod kaming magkakapatid, tapos ‘yung dad ko and mom ko, tapos magdadasal kami kasi baka bumagsak ‘yung bahay. Hanggang sa umalis kami do’n sa nirerentahan namin na bahay na ‘yon. Hindi ‘yun nagkaroon ng ilaw kasi wala kaming pambili ng ilaw,” paglalahad ni Kyla.
Malaki ang pasasalamat ng singer dahil malaki na ang ipinagbago ng kanyang buhay ngayon. “That’s why I work so hard kasi ayoko nang bumalik sa mga gano’ng pangyayari and ayoko din siya ma-experience ng anak ko,” pagtatapos niya.
- Latest