Nearing completion na ang Ulan movie ni Nadine Lustre. Isa ito sa mga pelikula na gagawin niya na hindi kasama ang kanyang ka-loveteam na si James Reid. Tatlo ang aktor na makakasama niya, sina Carlo Aquino, AJ Muhlach at Marco Gumabao. Si Xian Lim ang unang napili para gumanap sa role ni Carlo pero sa hindi malamang kadahilanan ay nawala ito sa final casting.
Ang second film ni Nadine minus her partner again ay ang Indak with Sam Concepcion pero join naman sila ni James sa Pedro Penduko.
Inaasahan na babalik ang kalakasan ng JaDine sa takilya sa huling pelikulang nabanggit dahil dalawang pelikula nga ang gagawin ni Nadine bago ang Pedro Penduko.
Tumutulong sa Marawi ayaw magpakilala
Ngayong lumabas na may tumutulong sa Marawi na ayaw magpabanggit ng pangalan at gustong manatili na lamang na lihim ang kanyang mabuting gagawin ay para namang biglang bumaba ang ating appreciation sa mga nauna nang nakilala na sumusuporta at umaayuda sa mga biktima ng Marawi siege. Feeling ng marami ay mas dapat hangaan yung tumutulong ng tahimik dahil hindi nila ipinangangalandakan at hindi sila matakaw sa publicity sa kanilang ginagawa. Pero, marami rin naman ang naniniwalang sikreto man o hindi ang pagtulong ay nakaka-inspire ito para sundan ng marami.
Magpasalamat na lamang tayo na may mga nagbibigay ng tulong para sa ikabubuti ng marami nating mga kababayan para makatayong muli at makapagsimula ng bagong buhay. Huwag sana silang matulad sa mga sinalanta ni Yolanda na maraming taon na ang kaganapan pero, hanggang ngayon ay nganga pa rin.
Andre hindi iniiwan sa ere si Kobe
Wala namang probema sa magkapatid na Andre at Kobe Paras. Close pa rin sila at nasusundan ang buhay ng isa’t isa kahit ngayong bumukod na ng tirahan ang mas nakakabatang Paras.
Tanong lang ng marami ay kung si Kobe na rin ang nagbabayad ng tirahan niya dahil wala pa naman siyang work at ang pagbabasketball niya ay sasagot lamang sa libreng edukasyon niya, allowance at iba pang gastusin o baka kasama na rin ito sa gastos ng iskwelahan na magbibigay sa kanya ng scholarship kapalit ng paglalaro niya rito.
Kahit separated sila ng bro niya, Andre was there para kay Kobe sa lahat ng pagkakataon, hindi lamang siya kung hindi maging ang buo nilang pamilya. Dumating din ang kanilang inang si Jackie Forster pero panandalian lamang, kasama ang asawa’t anak nito.
TNT Boys napuno ang Araneta!
Aakalain mo bang mapupuno ng TNT Boys ang Araneta Coliseum para sa kanilang Listen concert. May kamahalan ang ticket pero natuwa sila dahil mas maagang naubos ang mas mahal na tiket. Hindi lamang ang mga sikat nilang guest ang dinayo ng manonood tulad nina Vice Ganda, K Brosas, Jed Madela at marami pa pero sulit ang ibinayad ng mga nanood sa napakagaling na performances nila.
Bagaman at nagbabadya na ang hindi maiiwasang pagbabago ng boses ng tatlo na dala ng kanilang mga edad, madali nila itong maitago at maiwasan ang pag-crack ng kanilang boses sa tamang training.
Maituturing ang TNT Boys na isa sa pinakamahusay na trio na nabuo at nadiskubre.