^

PSN Showbiz

Transgender candidate sa Miss Universe super popular!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Transgender candidate  sa Miss Universe  super popular!
Angela Ponce

SEEN: Ipinakilala kahapon ng Viva En­ter­tainment ang mga bagong miyembro ng P-Pop Generation na Boom Ganda! Mula 13 hanggang 18 ang edad ng 45-members ng bagong all female group ng Viva Entertainment.

SCENE: Ang Teatrino Greenhills ang official home ng P-Pop Generation. Magkakaroon ng series of shows sa Teatrino Greenhills ang P-Pop Generation at mag-uumpisa ito sa January 8, 2019.

SEEN: Mahigpit ang mga bantay ng 67th Miss Universe kaya nahihirapan na lumapit sa mga kandidata ang mga miyembro ng media at fans. Ang Dusit Thani Hotel sa Lumpini, Bangkok ang official residence ng 95 official candidates ng Miss Universe 2018.

SCENE: Bukod kay Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray, si Miss Spain Angela Ponce ang isa sa mga popular candidate sa 67th Miss Universe dahil transgender woman siya.

SEEN: Nagpunta kahapon sa Malacañang Pa­lace si Heart Evangelista dahil sinaksihan nito ang conferment ng posthumous Quezon Service Awards para kay Senator Miriam Defensor-Santiago. Pangalawang ina ang turing ni Heart sa senadora na binawian ng buhay noong September 2016 dahil sa lung cancer.

SCENE: Si Senator Miriam Defensor-Santiago ang naging tulay kaya nakilala nina Heart Evan­gelista at Senator Chiz Escudero ang isa’t isa. Ninang noong February 2015 sa Balesin wedding nina Heart at Chiz si Senator Miriam pero hindi na ito nakadalo dahil sa karamdaman niya.

SEEN: Ang reunion sa Manila Hotel noong Linggo ng 90’s bold stars na sina Rosanna Roces, Via Veloso at Rita Magdalena. Pinakamataba sa tatlo si Rosanna.

SCENE: Ang hinala na may pinatatamaan na kap­wa aktres si Cherie Gil sa isinulat nito na actor’s etiquette, ang “Never let any actor wait for you when called to the set, especially senior actors.”

ANGELA PONCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with