^

PSN Showbiz

Megan umiinom ng pampatulog

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Megan umiinom ng pampatulog
Megan

Kabilang si Megan Young sa mga judge sa Miss World  2018 kahapon para sa 20 Miss World Head to Head Challenge Round 1. Kasalukuyan na siyang nasa Sanya, China at nagkakaroon na ng pre-pageant activites ang mga kandidata kasama ang pambato siyempre nating si Katarina Rodriguez.

Kahapon ay nag-update din si Megan na andun na siya at nang may magtanong kung ano ang nasa bed side niyang vitamins, sumagot si 2013 Miss World na ‘melatonin’ “to help me sleep.” May sleep disorder din kaya si Megan?

Favorite ng organizer si Megan pero wala na siyang contract with them.

Fans ni Sarah sobrang sipag

No doubt na ang fans ni Sarah Geronimo ang kabilang sa pinaka-masipag mag-update sa mga kaganapan sa kanilang idolo.

Wow, mapapabilib ka sa kanila lalo na sa mga Twitter user na talaga namang ang tiyagang mag-retweet at magbalita ng mga kaganapan kay Sarah G.

Ito ngang dalawa niyang award sa BAMA, sila talaga ang matiyagang nagbantay hanggang ipadala kay Sarah ang trophy. Ang BAMA ay New York-based Big Apple Music Awards (BAMA) kung saan nga si Sarah ang nanalong Best Pilipino Artist and Most Popular BAMA Artist.

Nakalaban ni Sarah sa nasabing category ang mga bigating artist din sa buong mundo, pero sa rami ng fans niya na matiyagang mag-upload ng achievements niya, siya ang nanalo.

Well, again Congrats Sarah G.

Tuloy ang nakukuhang pagkilala sa husay ni Sarah sa pagiging singer kaya naman hindi ito ang first time na nagwagi siya ng international awards.

Congrats din sa fans na super appreciative pag may nasulat sa kanilang idolo.

 

 

MEGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with