^

PSN Showbiz

Spirits Reawaken binihisan ni Direk Topel

Pilipino Star Ngayon
Spirits Reawaken binihisan ni Direk Topel

MANILA, Philippines — Muling nagdadala ng hiwaga sa bagong hene­ras­yon ng mga manonood ang iWant original fantasy series na Spirits Reawaken, tampok ang kwento ng anim na teenagers na sasabak sa isang misyong protektahan ang buong mundo at magkasamang makikipagsapalaran sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Ang Spirits Reawaken ay remake ng iconic 2004 Kapamilya series na Spirits at pagbibidahan ng teen stars na sina Grae Fernandez, Jairus Aquino, Bugoy Cariño, Kira Balinger, Chantal Videla, at Patrick Quiroz. Napapanood ito nang libre sa bagong iWant na maaaring ma-download sa iOS at Android o ma-access sa web browser (iwant.ph).

Sumikat noong 2004 ang Spirits na nilikha at idi­nirek ni Chito Roño, na siya ring nagdirek ng ilan sa sikat na Filipino films gaya ng Bata, bata… Paano Ka Ginawa, Feng Shui, at Dekada ‘70.

Panibagong bihis ang ibinigay ng direktor na si Topel Lee sa  Spirits Reawaken na magpapakilala sa mahiwagang mundo ng anim na kabataang sina Red (Grae), Jesse (Jairus), Nato (Bugoy), Maya (Kira), Gabbie (Chantal), at Lloyd (Patrick).

Sama-sama nilang matutuklasan ang kanilang kapangyarihan na gagamitin nila upang iligtas ang mundo laban sa isang malawakang alien invasion.

Habang tinutuklas nila kung paano pagaganahin ang kapangyarihang taglay, tatahakin ng anim na bida ang sari-saring pagsubok ng pagkakaibigan, pag-ibig, at pamilya.

 Puro papuri naman ang binigay ng iWant users sa digital series magmula nang maging available ito sa iWant.

 Para sa karagdagang updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

vuukle comment

SPIRITS REAWAKEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with