Sana hindi naman totoo na bitter si direk Toto Natividad sa pagkawala niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Isinisisi kasi sa kanya at ibinibintang ang mga hindi magagandang kaganapan sa iniwan niyang serye. Maganda naman at very promising ang bago niyang serye na Cain at Abel na katapat ng AP. Malaki ang tsansa nitong panoorin ng mas maraming viewers lalo’t tampok dito ang dalawang hari ng Kapuso network na sina Dennis Trillo at Dingdong Dantes.
Forte naman ni direk Toto ang action genre at magaling dito ang mga bida niya, wala siyang dahilan para hindi magpaka-positibo. Let us give him the benefit of the doubt.
Kris kuntento na sa mga anak, walang lovelife
Napakasuwerte ng lalaking idinemanda ng Queen of All Media na si Kris Aquino dahil may kapatid ito na bukod sa pagiging isang abogado ay mayro’n pang programa sa radyo na nagagamit nito para sa kapakanan ng kapatid niyang akusado. Ngayon ay akusado na rin siya dahil sinampahan din siya ni Kris ng kasong cyber libel. Wish ng lahat na madali lang itong madesisyunan at para magdusa na ang may sala.
Samantala, wala nang puwang sa puso ni Kris ang lovelife. After her romantic episode with QC Mayor Herbert Bautista, hindi na siya nali-link kanino man ngayon. Ano man ang pangangailangan ng kanyang puso, napupunan ito ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.
Eddie naudlot ang tukaan kay Tony
Hindi talaga mapasusubalian ang pagiging isang best actor ni Eddie Garcia. Wala itong hindi gagawin para sa ikagaganda ng ano mang role na ibigay sa kanya. May torrid kissing scene sana sila ni Tony Mabesa sa Rainbow’s Sunset, isang entry sa MMFF 2018. Makakatulong ito sa box-office ng movie pero inayawan ni direk Joel Lamangan. Nakakuha ng GP rating ang kanyang movie na nagtatampok din kina Gloria Romero, Tirso Cruz 111, Aiko Melendez at Sunshine Dizon.
Tungkol ang pelikula sa isang may edad nang lalaki na may matagumpay na pamilya pero, naisipang bigyan ng kalayaan ang minimithi ng kanyang puso sa piling ng lalaking minamahal niya. Inaasa-hang bukod sa box-office ay hahakot din ng awards ang movie.