Chinese pres. bumilib kay Lea

Walang masyadong video si Lea Salonga habang nagpe-perform sa state dinner for Chinese President Xi Jinping na ginanap sa Malacañang the other night.
Kahit sa IG account niya ay walang post si Lea.
Naging mahigpit ang security sa overnight visit ng Chinese president na first time sa bansa ng Chinese president in 13 year.
Nag-enjoy daw ang mga bisita na present sa state dinner for Pres. Xi sa Malacañang sa masasarap na pagkain at performance ni Lea.
Sobrang naging mahigpit ang security sa pagdating sa bansa ni President Xi kaya naman isinara ang buong Roxas Boulevard at buong Intramuros nung Martes ng gabi na naging sanhi ng buhul-buhol na traffic.
Kahapon ay umalis na ang presidente ng China.
Anyway, ang gaganda rin ng mga drama series ng Chinese.
May pinapanood ako sa Netflix at in all fairness, ang guwapo at ang gaganda ng mga bida. Pati story nakaka-hook.
Ayon kay Nay Lolit Solis, mas nauna namang sumikat sa ibang bansa ang Chinese drama series bago ang K drama na kinababaliwan din namin ngayon.
- Latest