Magic Land, Island sabay ang launching

Cong. Albee

MANILA, Philippines — Sayang naman at hindi nakaabot sa 2018 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Magic Land.

Hindi pa raw kasi tapos ang special effects na magiging take off din  ng launching ng Magic Island Theme Park sa Negros.

Yup, lahat ng mga character na mapapanood sa fantasy movie na 40% animation ay ilalagay din sa nasabing theme park na by next year ay operational na.

Kesa gumastos sa marketing, naisip na lang ni Cong. Albee Benitez, producer ng movie and developer ng Magic Island, mas magandang idea na gumawa na sila ng movie.

Pero madugo raw dahil pawang original characters ang ipakikilala nila. Mga bata ang bida sa Magic Land including Kapuso young actor na si Miggs Cua­derno na dinirek ni Peque Gallaga.

Nasa post production na ang movie na malamang ay sa 2019 MMFF na lang isali na star-studded ang supporting cast -  Jaclyn Jose, Agot Isidro, Rowell Santiago, Adrian Alandy, Jackie Lou Blanco, Maricel Laxa among others.

Hindi naman kinumpirma ni Cong. Albee kung totoong may cameo role sina Anne Curtis, Dingdong Dantes,  Ian Veneracion, Tom Rodriguez and Solenn Heussaff.

Samantala, ang itinatayong Magic Island Theme park ay matatagpuan sa Barangay Guinhalaran, Silay City sa 3.75-hectare na designed para maka-accommodate ng 3,000 visitors daily. Ang estimated cost ng entrance fee ayon kay Cong. Albee ay P200.00.

Meron daw silang 15 rides na ang supplier ay ang supplier din ng Disneyland and Universal Studios.

Hindi kakandidato sa kahit anong position si Cong. Albee sa 2019 mid term elections at tutukan daw muna niya ang pagpo-produce ng pelikula at ang completion ng Magic Island.

Anak niya ang nababalitang boyfriend ni Miss World-Philippines Katarina Rodriguez na si Javi Benitez.

Show comments