Kim hindi nagpa-hard to ‘get’ kina Dennis at JC!
Pumayag si Kim Chiu na magkaron ng bathtub scene sa One Great Love movie niya para sa MMFF 2018. Kapareha niya sa eksena si JC de Vera. Pero, syempre papayag ba ang direktor ng movie na si Eric Quizon na hindi magkaroon ng the same opportunity ang isa pang bidang lalaki ng pelikula na si Dennis Trillo.
May sexy scenes din sila ni Kim. Pero, knowing na first time ng bida niyang babae na gumanap sa mga ganitong eksena, inalalayan niya si Kim at sinigurong hindi ito maiilang sa mga nasabing eksena.
Malaking tulong din ang dalawang aktor na nagpaka-gentleman sa kanya.
Calvin ‘regular’ na sa Showtime!
Hindi na lamang basta pinag-uusapan ang bagong lalaki sa buhay ni Vice Ganda. Humahabol na rin ito sa kasikatan ng kanyang Unkabogabol Friend. Pag-usapan ba naman siya ng halos araw-araw at purihin ng mga host ng It’s Showtime simula nang magpadala siya ng adobo na pinananghalian ng lahat ay nagsimula nang marinig ang kanyang name.
Kinakausap din nila siya via phone patch at hinihingian na naman ng ulam, this time ay caldereta naman. Ipinaliwanag naman ni Vice na hindi niya boyfriend ang lalaki na nagngangalang Calvin Abueva at isang basketbolista. Ipinagkakapuri niya itong kaibigan na hindi siya ikinahihiyang iharap sa madla at maging sa mga magulang nito na tulad ng naging trato sa kanya ng mga naunang lalaki sa buhay niya.
Wish lang ng mga nagmamahal sa komedyante na hindi mauwi sa paghanga at love ang feeling ni Vice sa kanya ng friend, baka hindi na siya masaktang muli.
Samantala, umaani rin ng papuri at nagsisilbing magandang promo ng MMFF (Metro Manila Film Festival) 2018 movie ni Vice na Fantastica ang ginagawang pagtatanggol at pagsuporta ni Vice sa kanyang bestie na si Coco Martin sa isyu ng PNP sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagpapasama raw ng imahe ng mga kapulisan sa serye. Kasalukuyang may namamagitang pag-uusap sa pagitan ng PNP at ng ABS-CBN hinggil sa nasabing isyu.
Arjo hindi makuwento
Walang malinaw na detalyeng nakuha ang mga manonood ng Magandang Buhay sa ginawang guesting sa show ni Sylvia Sanchez. Tungkol sa nababalitang ugnayan ng kanyang anak na si Arjo Atayde at Maine Mendoza ng Eat Bulaga. Medyo nalagyan ng kulay ang ilang ulit na nakitang magkasama ang dalawa dahil kabilang sa magkalabang network ang dalawa at si Maine ay associated pa rin naman kay Alden Richards.
Nilinaw ng magaling na aktres na walang ikinukwento sa kanilang pamilya si Arjo tungkol sa lovelife nito at hindi rin sila ang tipo ng mga magulang na nakikialam sa buhay pag-ibig ng kanilang mga anak, not unless sila ang magkusang magkuwento sa kanila ng mga kaganapan sa buhay nila. Baka naman promo lang ito ng pelikula nilang Jack Em Popoy with Vic Sotto at Coco kung saan sila nagsimulang magkasama.
- Latest