Nakakalungkot isipin na sa edad na 40 ay isa nang ganap na balo ang dating Kapamilya singer-actress na si Lindsay Custodio nang sumakabilang-buhay ang kanyang politician husband na si Julius Platon II sa isang car accident na inatake sa puso habang ito’y nagda-drive last Sunday, November 18.
Naisugod pa sa pinakamalapit na pagamutan ang dating Tanauan, Batangas vice mayor sa Asian Hospital and Medical Center pero binawian din ito ng buhay kinabukasan, araw ng Lunes.
Naiwan ni former VM Platon ang kanyang wife na si Lindsay at ang dalawa nilang anak na sina Sean (16) at Charisse (12).
Ang mga labi ni dating vice mayor Julius Platon ay nakalagak sa Heritage Memorial Chapels in Taguig City. Dinala rin siya sa Tanauan City Hall kung saan siya binigyan ng misa at necrological rites pero ibabalik din siya sa Heritage ngayon.
Si former VM Julius Platon ay anak ng pinaslang na mayor ng Tanauan City nung 2001 na si Cesar Platon. Last October ay nag-file ang mister ni Lindsay ng kanyang kandidatura sa muling pagka-mayor ng Tanauan, Batangas sa susunod na mid-term elections.
Nang ikasal sila ni Lindsay nung 2000 ay tumigil na siya sa kanyang showbiz career para harapin ang bagong kabanata ng kanyang buhay, ang pagiging wife at ina.
Si Lindsay ay nagsimula sa youth-oriented program na Ang TV ng ABS-CBN in 1992 at nakapag-record din siya ng dalawang album under Star Records.
Kahit tumigil na siya sa kanyang showbiz career ay paminsan-minsan ay namamataan din si Lindsay sa ilang showbiz functions na kasama ang kanyang namayapang mister.
Mother Ricky naglamyerda sa Ilocandia
Pagkaraan ng dalawang taon ay muli kaming bumalik ng Vigan, Ilocos Sur kasama ang beauty czar at philanthropist na si Mother Ricky Reyes and her production team para doon kunan ang kanyang pre-Christmas episode ng kanyang long-running lifestyle magazine program, ang The World of Gandang Ricky Reyes na napapanood tuwing Sabado ng umaga, 9 a.m. to 10 a.m. sa GMA News TV.
Sa tulong ng successful businessman at dating gobernador ng Vigan, Ilocos Sur ay nagalugad ni Mother Ricky ang naggagandahang tourist spots ng siyudad including the historical and cultural places maging ang mga delicacies ng lugar.
Nung May 2015 ay napasama ang Vigan bilang isa sa 7 Wonder Cities of the World dahil sa magagandang tanawin ng lugar at kasama na rito ang Heritage Village ng Calle Crisologo kung saan matatagpuan ang hilera ng mga preserved Spanish houses, ang Ilocos Sur Dancing Fountain (na donasyon ni Chavit Singson), ang mga historical sites tulad ng Bantay Bell Tower, Bessangpass Monument, Tiradpass, Plaza Salcedo, Narvacan Watch Tower, Pagburnayan (na gawaan ng mga jars),ang RG Jar Factory, ang Abel Loom Weaving at iba pa.
Hindi rin siyempre makakaligtaan ang Baluarte ni Gov. Chavit Singson kung saan matatagpuan ang mala-museum gallery ng mga wild animal hunted by the businessman-politician himself, ang iba’t ibang live wild animals, animal show, ang Safari Hotel and Villages at iba’t iba pang attraction sa loob ng Baluarte na libreng napupuntahan ng mga local and foreign tourists.
Dumayo rin si Mader Ricky sa mga pagawaan ng local delicacies ng siyudad tulad ng empanada, bagnet, Vigan longanisa, pinakbet sa Pinakbet Farm at marami pang iba. At hindi siyempre mawawala ang one-on-one interview ng award-winning beauty expert at magazine TV host sa `Man of the Hour’ na si former Gov. Chavit Crisologo Singson na siyang naging dahilan ng magandang pag-unlad ng Vigan at ang nag-mount ng Miss Universe pageant sa Pilipinas in January 2017.
Ang pre-Christmas episode ng The World of Gandang Ricky Reyes featuring Vigan, Ilocos Sur ay mapapanood on December 1, 2018, araw ng Sabado, 9 a.m. to 10 a.m. sa GMA News TV.