Kontrang-kontra pala ang buong pamilya ng isang young female personality sa kanyang karelasyong aktor. Hindi gusto ng kanyang mga magulang at kapatid ang pagiging maldito ng male personality.
?‘Yun ang isa sa pinakamatinding problema ng young actress-singer sa kanyang lovelife, hindi buo ang kaligayahan niya, dahil nakikita niyang kontra sa kanyang boyfriend ang pamilya niya.
?Kuwento ng isang source, “Napaka-demanding naman kasi ng lalaking ‘yun! Para siyang hari kung makaasta. Kung mahal niya ang girl, dapat, e, mahalin din niya ang family ng girlfriend niya!
?“Pero hindi siya ganu’n. Kapag sinusundo niya ang girl kapag may date sila, e, sapilitan pa ang pagpasok niya sa bahay ng GF niya!
?“Ewan kung bakit siya ganu’n, parang pinapaso ang puwet niya kapag nasa bahay siya ng girlfriend niya, hindi siya nagtatagal!” simulang kuwento ng aming impormante.
?At kapos din sa pang-unawa ang aktor sa trabaho ng kanyang girlfriend, artista itong naturingan, pero parang hindi nito alam ang mga aberya sa trabaho ng mga artista.
?“Hindi lang tao ang pinagseselosan ng lalaking ‘yun, pati ang work ng girl, pinupuntirya rin niya! Kapag nagkakaroon ng aberya sa work ng girl at hindi matutuloy ang pagkikita nila, agad nang nagagalit ang mokong na ‘yun!
?“Ganu’n siya ka-selfish. Hindi siya marunong umintindi! Kapag sa kanya nangyayari ang aberya, e, okey lang, pero kapag nagkakaroon ng problema sa trabaho ang girl, galit agad ang guy!
?“Dati nang may kasupladuhan ang male personality, nu’ng makarelasyon niya ang isang aktres, e, ganyan din ang pinagtatalunan nila. maigsi ang pasensiya ng lalaki.
?“Di ba, balitang break na sila ngayon? Naku, katuwa lang ng mga friends ng girl sa kuwentong tapos na sila! Walang kasingsaya ang mga kaibigan niya dahil nakaalpas na raw siya sa hawla!
?“E, di lalo na siguro ang family ng girl? Gaano kaya sila ka-happy ngayon? Sa umpisa pa lang, e, ayaw na nila sa guy, kaya siguradong fiesta ngayon sa pamilya nila!
?“Kapangalan ng isang siyudad ang girl na ito. Nababanggit din sa isang banyagang song ang apelyido niya,” pagtatapos ng aming source.
?Ubos!
AP binubusalan sa artistic freedom
Nagsimula na kagabi ang pinakabagong salpukan sa primetime. Ang Probinsyano laban sa Cain At Abel. Matira ang matibay sa tapatang ito ng mga serye ng Dos at Siyete.
?Napakarami nang itinapat na palabas ng GMA-7 sa tatlong taon nang pinagbibidahang serye ngayon ni Coco Martin pero iisa ang naging kapalaran ng mga programang ‘yun.
?Lotlot sila. Tihaya sa labanan ng rating. Nagsasarado nang mas maaga kesa sa inaasahan. Tatlong taon nang namamayagpag ang Ang Probinsyano at isa lang ang sinasabi ng ating mga kababayan.
?Walang ibang kalaban ang serye kundi ang kanyang sarili lang. Mawawala lang ang Ang Probinsyano kapag nagdesisyon na si Coco Martin at ang network mismo na ibaba na ang kurtina ng pamamaalam ng programa.
?At ‘yun naman talaga ang plano ng produksiyon, sa mga unang buwan ng 2019 ay ititiklop na nila ang mga pahina ng libro ng matagumpay na serye, hanggang du’n na lang talaga ang kuwento ng mga pakikipaglaban ni Ricardo Dalisay.
?Matagal nang plano ‘yun, kaya huwag naman sanang akuin ng pamunuan ng PNP na naipasarado nila ang programa dahil malayo sa katotohanan ‘yun, huwag silang mag-ilusyon.
?Walang magagawa ang pagkontra nila sa artistic freedom, hindi nila puwedeng diktahan ang mga istasyon na kung ano lang ang ikagaganda sa imahe ng mga kapulisan ang kailangang ipalabas, magtayo na lang sila ng sarili nilang istasyon.
?Huwag ibato sa Ang Probinsyano ang sisi ng karumihan ng kanilang hanay, basura ‘yun na kapag ipinaako nila sa programa, siguradong babalik din sa kanila.
?Dahil sa kagagawan ng mga tiwaling pulis ay nadadamay tuloy ang matitinong otoridad na ginagawa ang kanilang sinumpaang pangako na maging tagapagligtas ng mga naaapi at hindi sila ang mang-aapi.